KABANATA 20

288 4 2
                                    

Kabanata 20

Talk

--

Inaantok na ako. Namumungay na ang mga mata ko at umiikot na rin ang paningin ko. I don't really know why I got drunk like this. But that doesn't matter anymore. What matters now is my irritation because of Anton. Sino nga ulit yung kasama nya kanina? A Friend? Ha!

"Gusto ko nang umuwi," I pushed him away again but he didn't move again.  Iritado ko syang tinignan pero natatalo na ako ng kalasingan.

Tinagilid ni Anton ang ulo nya. Maingay pa rin sa buong club. People are still having fun. May kaunti akong nakikitang mga tao na pumupunta rito sa taas pero mga lasing na iyon. Pumupunta nalang rito para magbanyo.

"Gaano ba karami ang ininom mo? Tsk..." si Anton.

"Bakit mo tinatanong? Wala ka nang pakialam roon! Alis!" Tinulak ko sya.

"Iuuwi kita," anya at hinawakan ang kamay ko.

Mabilis kong binawi yon at matalim syang tinignan kahit namumungay ang mga mata.

"Wag mo akong hawakan! Doon ka na nga sa babae mo! Bakit ka ba nandito?"

Ngumisi sya. Umiling sya at yumuko sandali at nang mag angat ng tingin, may ngiti na sa labi. Sinubukan nya ulit hawakan ang kamay ko.

"Bitawan mo ako!" Pumiglas ko.

"Uuwi na kita, Victoria," he said.

"Makakauwi ako mag isa! Hindi ko kailangan ng tulong mo!"

"Halika na."

"Ayoko!"

He groaned. "Victoria."

"Ha! Akala mo matatakot ako sayo? Doon ka na sa babae mo!"

Natawa sya. Naglakad naman ako paalis kahit hindi na halos makita ang nilalakaran. He quickly grabbed my hand and pulled me down. Nagpumiglas ako pero sobrang riin ng hawak nya, namimilit na dahil alam nyang hindi ako sasama sa kanya.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko.

"You're so drunk. Uuwi na kita," sabi nya.

"Hindi ako sasama sayo! Ayoko sayo!"

He groaned again. At dahil alam nyang ayaw ko talagang sumama sa kanya, binuhat na nya ako! Tumili ako at nagpumiglas pero hindi ako nakawala. Wala namang pumansin sa amin dahil mga lasing na ang mga nasa club at mga nagkakasiyahan na.

Pumikit ako ng mariin dahil nahihilo talaga ako. Tumigil ako sa pagpupumiglas at kinapit ang isang kamay sa balikat nya. Namumungay ang mga mata, tinignan ko ang seryosong mukha ni Anton. I feel the heat on my face because of the alcohol. At sa mga oras na yon, hindi ko alam kung bakit napangiti ako at natawa pa. Napatingin tuloy sya sa akin.

"What's funny?" He asked.

"Ang pangit mo," humagikgik ako.

He groaned. Inalog nya ako kaya natigil ako at napahawak ulit sa kanya, ngayon dalawang kamay na ang nakayakap sa leeg nya. I buried my face in his neck and closed my eyes.

"Daddy..."

Napatingin ulit sa akin si Anton. Alam kong bahagya syang natigilan sa sinabi ko pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad. I remember how Daddy carried me like this when I was young, when I fell asleep on the sofa watching TV. Sometimes I pretend to be asleep to see how he takes me to my room.

"I miss you..." muli kong bulong sa namamaos na boses.

Nakatulog ako. I don't know what happened next after that. Nagising nalang ako nasa kwarto na at masakit ang ulo. Bunganga agad ni tita Teressa at tita Pamela ang narinig ko.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon