Kabanata 31
Request
--
I enjoyed the one day vacation with Irene. I really enjoyed it. Nakalimutan ko lahat ng alalahanin ko. Maaga palang kinabukasan, niyaya na ako ni Irene na lumangoy sa dagat. I realized this island is private. Sa kanila lang ito at sila lang ang may bahay. I was amazed.
Pagkatapos naming magbabad sa tubig ng dalawang oras ay sumakay kami ng bangka para mag dive sa ilalim ng dagat. They have the equipment and people to help us. I really enjoyed it. Ang dami kong nakitang isda at mga corals. I don't often see this because we don't always vacation on the beach so I was amazed.
"Let's take a picture!" Si Irene at kumuha ng mga pictutes namin sa kanyang camera habang nasa bangka.
Pabalik na kami sa isla. Masayang masaya ako pero gutom na. Kanina pa kaming umaga nagsuswimming. Pero nag enjoy naman ako ng sobra.
When we got to the island, we took a shower and got dressed for lunch. Kasabay namin ang kanyang lola at habang kumakain, nagkukwentuhan.
"Kamusta naman ang pagligo? Nag enjoy ka ba, hija?" Nakangiting tanong nya sa akin.
"Opo. Ang ganda po pala rito."
Irene smiled. "Of course! Mamaya pupunta tayo sa malapit na isla. Walang tao roon at maliit lang pero maganda ang tubig! Malinaw at masarap magswimming!"
I smiled and nodded, gusto ring makita ang sinasabi nya. Napangiti naman ang lola nya habang pinagmamasdan kami. Mukhang masayahin talaga ang matanda.
That's what we did. Sumakay ulit kami ng bangka at nagtungo sa maliit na isla. Manghang mangha na naman ako. Tama nga si Irene, sobrang linaw ng tubig at parang napaka sarap magswimming!
"Ayaw ni Kuya sa playgirl," ngisi ko nang magkwento sya sa napaka rami nyang ex boyfriends.
Nanlaki ang mga mata nya. "Really? B-But... I'm not a playgirl!"
I smirked more. Binasa nya ako ng tubig at natatawa akong umiwas.
"I'm not a playgirl! M-Masama bang mag boyfriend?" Mukhang kinabahan sya roon.
"Sa kwento mo palang, halata na. Sabi mo pa ngang pinaglaruan mo lang yung isa!"
"W-Well... ginanti ko lang naman yung kaibigan ko! Kasi niloko nya at sinaktan ng todo!"
"Oh?" Ngumisi pa rin ako. "But it doesn't change the fact that Kuya doesn't like playgirls."
"But I'm not a playgirl!"
"Really?"
Ngumuso sya at matalim akong tinignan. Humalakhak ako at binasa sya ng tubig dahil parang papatayin nya na ako sa sama ng tingin nya. Hinabol nya ako at umakmang huhulihin pero umiwas ako, natatawa.
We didn't realize the time. Alas tres na nang maisipan naming bumalik sa isla. Napaka ganda naman kasi talaga roon at malilibang ka talaga. Bumalik kami at nagmeryenda.
"Naku, mga hija. Wala ba kayong balak magpahinga? Kanina pa kayong umaga naliligo sa dagat," anang lola ni Irene na lola na rin ang tawag ko. Iyon ang gusto nyang itawag ko sa kanya.
Nandito kami sa may dalampasigan. May payong at sun lounger kaming dalawa ni Irene. May isang table naman sa gitna namin at nandoon ang mga pagkain namin. May upuan naman roon si lola.
"We're fine po! Gusto pa nga naming magpaka pagod pa, eh. Tsaka... minsan lang naman ito kaya pagbigyan nyo na kami..." paglalambing ni Irene sa lola at bahagyang sumandal rito.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Genç Kurgu[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...