KABANATA 54

304 4 1
                                    

Kabanata 54

Engaged

--

Wearing a white shirt dress and sneakers, I walked down on our grand staircase. Nakita ko si Jaz na nakataas ang kilay habang pinagmamasdan akong bumaba. Papunta sya sa kusina nang makita ako kaya natigil sya. Kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa bago sumagot. "Pinapunta ako ng Kuya mo rito at hiniling na magluto daw ako ng lunch para sa kanya. Ikaw? Saan ka naman pupunta at ganyan ang ayos mo ngayon?"

"Date," simple kong sagot at ngumisi. Nakababa na ako at nakaharap sa kanya.

Ngumisi rin sya. "Nagkabalikan na kayo?"

"Hindi naging kami noon, Jaz, kaya walang nagkabalikan."

She rolled her eyes. "Fine. Kayo na?"

Ngumisi ako at hindi sumagot. Nilagpasan ko sya para makalabas na ng bahay. Hindi na ako nagpaalam sa kanya at hinayaan ko lang sya roon na manghula kung ano ba ang sagot sa tanong nya.

"Hey! Ikaw talaga..." si Jaz.

Kumaway lang ako sa kanya habang nakatalikod pa rin at lumabas na ng bahay.

No. Hindi kami ni Anton. But I have no intention of saying what is happening to us right now. I don't want to tell them that I gave him a chance.

Hindi naman kailangang ipag sabi iyon. Tsaka malalaman rin naman nila kapag naging... kami na. Ngumisi ako sa naisip. Hindi ko alam kung bakit good mood na good mood ako ngayon.

When I got out, I immediately saw Anton's car parked outside our gate. I immediately saw him leaning against his car, preskong presko ang mukha. He's wearing a polo shirt and slacks. Nakatupi hanggang siko ang mahabang manggas ng kanyang polo. Alam kong galing pa syang trabaho kaya ganyan ang suot nya pero napaka gwapo nya pa rin sa paningin ko.

Parang tinambol ang puso ko at hindi ko naiwasan ang mapangisi. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko agad ang pagsilay ng maliit na ngisi sa kanyang labi. Hindi man ganon nakangiti ang mga labi nya, ngiting ngiti naman ang kanyang mga mata. Tinignan nya pa ako mula ulo hanggang paa tapos ngumisi.

Naglakad ako palabas ng gate. Umayos agad sya ng tayo at sinalubong ako. Nakangiti pa rin ang mga mata nya, hindi ko tuloy mapigilan ang pag angat ng gilid ng labi ko.

He stared at me and I bravely looked up at him. Ang ngisi ay nasa labi ko pa rin at ganon rin sya.

"You looked beautiful," he said.

I rolled my eyes. "Is that your way now of getting a woman?"

He chuckled. "Am I not allowed to compliment you now?"

Ngumisi ako. Kinagat nya ang pang ibabang labi at nilahad na ang kanyang kotse.

"Shall we?" He said.

I nodded and let him open the door for me. Pumasok ako roon habang pinipigilan pa rin ang pilit na lumalabas na ngiti. Sinarado nya ang pintuan ko at umikot para makapasok na sa driver seat.

Pinagmasdan ko syang maglakad papunta sa kabilang pinto. Nakapameywang sya at kinakagat pa rin ang labi na para bang tulad ko, hindi nya rin mapigilan ang kanyang ngiti.

Tumingin nalang ako sa bintana nang pumasok sya. Para akong nakalutang. Pakiramdam ko rin sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog noon. Pinag iinitan ako ng pisngi lalo na dahil hindi ko mapigilan ang ngiti. Nahihiya akong makita nya iyon.

"Bakit napili mong kumain sa restaurant ni Jaz?" Tanong ni Anton maya maya.

"Isang beses palang akong nakakapunta roon. Gusto ko pang tikman ang ibang luto nya."

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon