Kabanata 7
Smile
--
Syempre, naging busy na naman ako kinabukasan. Elise understood my situation so she wasn't upset when I told her I would go to school very early the next day. Sa school ulit ako kumain. Sa cafeteria nalang rin ako nagbasa dahil tahimik naman, wala pa masyadong tao. Jaz came to the cafeteria later and she just ate quietly, also reading her notes.
Anton texted me again that morning. I'm replying but I can't do it now because I'm studying.
Anton:
Good morning!
Victoria:
Morning.
Naisip ko tuloy na ganito ba sya palagi sa mga kaibigan nya? Ako kasi hindi ganito. I don't even like texting. Kay Jazmine? Is he the same with Jazmine? I'm sure they are friends now because of what happened in my head before. Tinetext nya rin kaya ng good morning si Jaz? Bigla akong na-curious roon. Gusto kong malaman at hindi ko alam kung bakit. Bigla akong hindi mapakali.
Anton:
Do you go to school early?
Victoria:
Minsan lang.
Anton:
Oh. Ako kasi maaga palagi. Marami kasi akong inaaral. I'm always in the library.
Victoria:
That's good. We should prioritize our studies.
Anton:
Studying is important for you too?
Victoria:
Of course.
Anton:
That's good! By the way, nasa school ka na?
We continued texting until I couldn't reply because I ate and read in the cafeteria. There was also a lot to do in the following hours so I never had a chance to look at my phone. Nang mag lunch, doon ko palang natignan yon.
Anton:
Our building is far away so we don't meet often.
Victoria:
Yeah.
Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko roon kaya iyon nalang ang sinabi ko. Hindi naman kailangan magkita ng dalawang magkaibigan palagi, hindi ba? O ganon lang talaga sya? Maybe.
"Busy, ah? Sino yan?" Puna ni Jaz nang mapansin na ang pagtutok ko sa phone.
I immediately put down my phone and just continued eating. Jaz's eyes narrowed because I didn't answer.
"Wala, Jaz," halos irapan ko sya.
She chuckled. "Just now I saw you busy on the cellphone. You used to be busy with books."
"Bakit? Hindi ba pwede?"
"Pwede naman. Bakit? May katext ka na ba ngayon kaya busy ka na dyan?"
I glared at her. "Wala."
She chuckled again. Hindi na nagsalita pero ang naunuksong tingin ay nandoon. Inirapan ko na sya at hindi na sya pinansin. She's very chismosa and always thinks that I'm doing something even when I'm not. Kaibigan ko lang naman yung... katext ko, ah?
Nang matapos ang lunch, sunod sunod na naman ang mga ginawa. Maraming lectures, quizes, projects, assignments at reportings ang pinagawa. Marami ring lessons na dapat pag aralan mabuti. Lalo na ako dahil transferee ako. Medyo nahuhuli ako sa pinag aaralan nila. Medyo sumakit tuloy ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...