KABANATA 13

262 6 1
                                    

Kabanata 13

Possessive

--

Alam ni Jaz na kung ano ano lang na damit ang sinusuot ko kaya nagpunta pa sya sa amin para lang ayusan ako. Hindi naman na kailangan pero gusto nya maayos ang suot ko. Maayos naman ang mga sinusuot ko. Maarte lang talaga sya.

Pumunta sya sa bahay. Hapon palang at sayang wala si Elise. May group study sya sa bahay ng kaklase. Hindi sila magkikita ni Jaz. Ang sabi nya pa gabi na sya makakauwi kaya hindi na talaga maaabutan ni Jaz. I already told Elise that she was invited to my classmate's birthday but she said they had a group study. Importante daw kaya hindi makaliban.

"Wow! This is your house? I mean... mansion?!" Gulat at namamanghang sinabi ni Jaz nang pagbuksan ko sya ng gate.

"Yes. Pumasok na tayo," anyaya ko.

"Gosh! I really don't understand you. Mayaman ka pero kung makapag sabi ka na walang pera akala mo mahirap pa sa daga! Tignan mo nga itong mansyon nyo! My gosh! So many flowers! I love it!"

We went inside. Jaz's face was amazed again. Mayaman rin sila pero kung makatingin sya sa bawat sulok ng bahay namin akala mo bago sa kanya lahat ng ito.

"Ngayon lang ako nakakita ng mayaman na hindi mayabang, ah! I love you talaga!" Kiniliti nya pa ako at humagikgik.

Gusto ko muna syang pagmeryendahin pero masyado syang excited makita ang kwarto ko. So we immediately went to my room. Pinadala ko nalang ang meryenda nya sa taas.

"Wow! I can't believe this! Doble na yata ito ng kwarto ko! Kasama mo bang natutulog si Elise rito?" Si Jaz nang makarating sa kwarto ko.

"Nope," I said.

"Bakit ang laki? Ikaw lang mag isa rito?"

"Yeah..." tamad kong sagot at nagtungo sa walk in closet.

Nilibot pa ni Jaz ang paningin nya sa buong kwarto ko. Tinignan nya ang bawat sulok noon. Inupuan nya ang bed ko at ganoon na rin ang mga sofa sa gilid. Sumilip pa sya sa malaking bintana ko na tanaw ang malaking garden namin sa likod. She was amazed again. Kung hindi ko pa sya tinawag, baka ilang oras pa syang namangha sa buong kwarto ko.

"Here's my closet--"

"Oh my gosh! So many clothes!" Putol nya sa sobrang excited at agad agad pumasok sa loob.

Humalukipkip ako at bahagyang sumandal sa hamba ng pintuan habang pinapanood syang kinakalikot ang mga damit ko. Magkakasama ang bawat damit ko. My t-shirts are in the same hanger. My dresses are on the other side, my jeans are on the other side and my five leather jackets are also on the other side. Below are my sneakers and boots. Next to it are my jewelries and watches. At the end is my big bathroom.

"My gosh! Naiirita ako sayo, ha! Ganito ang mga gamit mo pero nagtatrabaho ka? Why don't you just sell it all so you can make money and stop working?!" Irap sa akin ni Jaz.

"My parents bought all of that so... I can't sell that."

Ngumuso si Jaz at tumango tango. Naningin pa sya ng ilang sandali roon hanggang sa tumango sya at lumapit sa akin. She looked at me from head to toe. Nang makuntento, sinabi nya na ang mga dapat kong suotin.

"You need to wear a dress--" pinutol ko agad sya.

"I don't wear dresses."

She glared at me. "Alam ko pero kailangan mong magsuot!"

"Bakit pa?" Kumunot ang noo ko.

"Because it's Kyle's birthday!"

"Tss. Birthday lang..."

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon