KABANATA 41

259 9 1
                                    

Kabanata 41

Forgive

--

Natapos ang graduation at hindi ko na ulit nakita pa si Anton. Inaamin kong umasa ako na makikita ko ulit sya rito, kahit sandali lang. Pero hindi na sya nagpakita pa ulit.

Nalulungkot ako. Masaya akong naka graduate ngayon lalo na dahil gagraduate na rin si Elise. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang malungkot. Para bang may mabigat na nakadagan sa puso ko. Yung para bang kahit ang paglalakad, mabagal nalang sa sobrang lungkot na nararamdaman. Gusto ko mang umiyak, alam kong walang magagawa yon. At... hindi ko rin gawain yon.

Siguro ganito nalang talaga, huh? Magpapatuloy nalang siguro ako ng ganito. Malungkot man pero alam kong magiging maayos rin ang lahat. I'm just not sure because until now Elise still doesn't talk to me. Hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung babalik pa ba ako sa dati. Yung masaya lang at walang problema.

Naisip ko tuloy... paano kung hindi ko nakilala si Anton? Mangyayari ba ang lahat ng ito? Masasaktan ba ang kapatid ko? Masasaktan ba ako? Masasaktan ba si Anton? May masasaktan ba? What could possibly have happened if he hadn't come into my life?

Malungkot akong ngumiti at pinikit pikit nalang ang mga mata para mawala ang pangingilid ng mga luha. Tumikhim ako at hindi na inisip pa ang mga yon. Ngumiti ako sa mga bumabati sa amin.

"Congratulations, Ms. Villanueva," isang mataas na tao ang bumati sa akin.

"Thank you," I smiled slightly at her.

"You looked so beautiful in person. Maganda ka na sa tv and pictures pero mas maganda ka pala sa personal."

Nagpasalamat ulit ako roon. Marami pang bumati sa akin na matataas na tao at nagpasalamat lang rin ako sa kanila. Mukhang nagpunta sila rito para lang makausap kami.

"Aray!"

"Jaz!" My eyes widened when Jaz stumbled in front of my brother talking on the cellphone.

Sa kaartehan nya yata, hindi na nya napansin ang medyo malaking bato sa harapan nya. Natalisod sya roon at sakto pa na nandoon si Kuya.

Napatingin sa kanya si Kuya, nasa tenga pa ang cellphone. Natigil sya sandali sa pakikipag usap.

"Aray..." daing ni Jaz na halatang nasaktan talaga.

I was about to go to her to help her when someone stopped me. Isang magandang babae ang humarap sa akin. She smiled.

"Hi, hija. Napaka ganda mo pala sa personal..." she praised.

"Uh, thank you po," nilingon ko ulit si Jaz.

She's still on the floor. Walang nakakita noon dahil medyo malayo sila sa amin. My brother was just standing, his cellphone was still in his ear and he was just looking at Jaz.

"I'm Emma Santiago. Nice to meet you, Victoria Villanueva," the woman offered her hand and smiled.

"Nice to meet you rin po," sabi ko at tinanggap ang kamay nya.

"You looked elegant with your dress and graduation dress. Gandang ganda rin sayo ang anak ko. Babae rin sya at kasing edad mo," she said as she smiled.

"Thank you. She's from this school?" I asked.

"Ah, no. Sa ibang school sya, hija. Sasabihin ko na nakausap kita. I'm sure she'll be glad."

"What's her name?"

Umawang ang labi nya at mabilis na sinabi ang pangalan ng kanyang anak. "Kristen! I'm sure she will be really happy especially when she finds out that you asked her name!"

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon