Kabanata 39
Sorry
--
Sarado na ang coffee shop nang makarating ako roon. I immediately got out of the SUV and went to a nearby bench to sit for a while. The breeze was cold but I didn't care. Wala akong pakialam kung manginig pa ako sa lamig rito. Nag iinit ang mukha ko sa sobrang galit. Hindi ko alam kung kanino ako mas nagagalit; kay Anton o sa sarili ko.
Alam kong kasalanan ko itong lahat. Kasalanan ko kung bakit nagagalit sa akin ngayon ang kapatid ko. Kasalanan ko kung bakit sya nasasaktan ngayon. Kasalanan ko kung bakit sya umiiyak. Kasalanan ko! Ako ang dahilan ng lahat!
Kung bakit kasi hindi ko agad sinabi kay Elise ang totoo. Bakit kasi hindi ko nalang pinairal ang takot kong magka away kami nang dahil lang kay Anton! Dapat sinabi ko nalang sa kanya nung una palang. Edi sana hindi lumalim ang nararamdaman nya para kay Anton at hindi kami nagkagalit ng ganito!
Kasalanan ko. Kasalanan ko to!
A car parked in front of me and I quickly got up because I knew immediately who it is. Lumabas si Anton na mukhang nagmadali. Tumakbo sya papunta sa akin. He's wearing a white t-shirt, black jeans and brown boots. Halata sa suot nya na nagmadali talaga syang pumunta rito.
"Victoria! What's wrong?" Tanong nya agad nang makalapit, nag aalala.
Hinawakan nya ang kamay ko pero mabilis ko iyong binawi. Lumayo rin ako sa kanya dahilan ng pagkakatigil nya. Tinitigan nya ako. Matalim naman ang tingin ko.
"Anong sinabi mo kay Elise?" Tanong ko agad kahit alam ko na ang sagot.
His forehead furrowed as if wondering at my question. Oh! I almost forgot. Wala nga pala syang alam! Wala nga pala syang alam sa lahat!
"Sinabi?" Tanong nya.
"Sinabi mo sa kanya na ako ang gusto mo?"
Sandali syang natigilan, parang prinoseso pa sa utak ang sinabi ko. Maya maya dahan dahan syang tumango.
"Yes... Why? Is there a problem?"
"Yes. There is!" I spat angrily.
Halata pa rin ang pagtataka sa mukha nya pero alam kong nagulat sa biglaan kong pagsigaw.
"Bakit mo sinabi sa kanya yon? Nag iisip ka ba?"
"What?" Nagsalubong na talaga ang kilay nya.
Natawa ako ng mapakla. "Wag mong sabihing hindi mo naiintindihan?"
"Naiintindihan ang alin? Victoria, ano bang sinasabi mo?" Lumapit sya sa akin pero umatras ako.
"Dyan ka lang," banta ko.
Tumigil sya at tinitigan ako ng mabuti, nag iingat. Hinilamos ko ang mga palad sa mukha sa sobrang inis, pagod at sakit na nararamdaman.
"Bakit sinabi mo yon sa kanya? Don't tell me you didn't fucking noticed it?!"
Mas lalong kumunot ang noo nya. "Napansin ang alin? Please tell me what the problem is. Nang maintindihan ko..." he pleaded.
Natawa ulit ako dahil hindi nya talaga ako naiintindihan. Seriously? All this time wala syang napapansin?!
"Victoria--"
"Elise likes you!" I screamed so angrily, cutting him off.
"What?" Natigilan sya.
"Yes! She likes you and do not tell me that you didn't know that because you definitely knew! You definitely noticed it!"
"What are you saying? I didn't know that!"
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Ficțiune adolescenți[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...