KABANATA 59

314 4 1
                                    

Kabanata 59

Trust

--

Sumunod ako kay Irene at napabuntong hininga nalang ulit. Ayokong tanungin si Irene tungkol sa nararamdaman nya dahil natatakot akong umiwas sya. Sa pinapakita nya ngayon, alam kong ayaw nyang pag usapan ang tungkol roon.

Kaya naman mas pinili ko nalang mag enjoy kasama sya. I don't want her to feel sad. We are here for vacation. I don't want to ruin this moment with her.

Hindi na muna ako pumayag sa gusto ni Irene na magsuot ako ng swimsuit. Sabi ko sa susunod nalang. Gusto ko munang magsuot ng shorts at croptop. Masama tuloy ang tingin nya sa akin habang nagliligo kami sa maalat na dagat.

"You agreed!" Hindi sya matapos tapos roon.

Natawa ako. "Bukas nalang, Irene. Gusto ko munang magsuot nito," palusot ko.

"Tss. Anong klaseng dahilan yan? Pero sige na nga! Tara! Doon tayo sa mas malalim."

"Hindi ako marunong lumangoy."

"Sus! Edi tuturuan kita!"

"Ayoko. Ikaw nalang."

Nagpilitan pa kami roon hanggang sa dumating na ang mga kasama namin. Elise was with Kyle. Kuya with Jaz. And Anton who immediately looked at me seriously. Kumabog ang dibdib ko.

"I'll just swim there," si Irene na bigla nalang nagpatalo sa away naming dalawa.

Napatingin ako sa kanya. Hindi pa man ako nakakasagot ay lumangoy na sya papunta sa malalim. Bumuntong hininga ako. Nakabawi lang ako sa paninitig kay Irene nang isang kamay ang naramdaman ko sa aking baywang.

Bahagya akong napatalon at napaharap sa kung sino man iyon. Nang nakita si Anton ay halos atakihin naman ako. Hindi ko manlang namalayan na malapit na pala sya sa akin. Nagtagal yata masyado ang titig ko kay Irene.

"Anton..."

"Where's my morning kiss?"

Uminit ang pisngi ko pero matalim syang tinignan. "I just gave you a kiss earlier."

"But that was earlier. Nagising ulit ako ngayon kaya..."

"Tsk. Tumigil ka nga, Anton."

Mapaglarong ngisi ang gumuhit sa kanyang labi.

"Why won't you kiss me in front of them?"

Oh, damn. Alam nya talaga palagi ang iniisip ko. Hindi naman sa ayaw kong halikan sya sa harap ng mga kaibigan ko. Pakiramdam ko lang masyadong PDA.

"Tss. Stop it, Anton. Why are you so addicted to kisses?" Hindi ko alam kung paano ko naitanong iyon.

"I'm addicted to your kisses. Magkaiba iyon," he smirked.

Uminit ang pisngi ko. Hinampas ko sya sa dibdib at inirapan. Iniwan ko sya roon. Humalakhak sya at pinabalik ako sa kanya. Binasa ko sya ng tubig para mabitawan ako at nang nabitawan, ako naman ang humalakhak. Binasa ko ulit sya.

"Stop it!" Pagalit nyang sinabi pero natatawa na rin.

"Then stop requesting for a kiss!"

"Anong mali sa paghingi ko ng good morning kiss? It's just normal!"

"It's not normal!"

"Why not? You are my girlfriend!"

Wala na akong nasagot roon kaya natawa nalang ako. Binasa ko ulit sya pero hindi sya natinag, lumapit sya at agad akong nahuli. Bahagya akong napatili nang ilapit nya ako sa kanya. Tumawa ako. He kissed my cheek.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon