Kabanata 25
Focus
--
"Ikaw lang ang gusto ko..."
Paulit ulit kong naririnig sa tenga ko ang mga salitang iyon ni Anton habang nakaupo ako sa kama ko. Sa totoo lang hindi ko alam ang mararamdaman roon. Kung matutuwa ba ako o... mahihiya. O siguro pareho? Hindi ko alam. Basta ang alam ko masaya ako.
Bumuntong hininga ako at bahagyang napangiti. Kusang umaangat ang gilid ng labi ko kanina pa. Pinipigilan ko lang dahil nandidiri ako sa sarili ko. Ngayon ko palang naramdaman ang ganito. Hindi ko akalaing kapag nagkagusto ka na pala sa isang tao, kusa ka nalang mangingiti kapag naiisip mo sya. Napailing ako.
I lay down on the bed and took a deep breath. Nakaligo na ako at nagawa na ang iilang homeworks. Matutulog nalang ako ngayon.
Nagtext ng good night si Anton sa akin bago ako makatulog, na palagi nyang ginagawa. I smiled again. Umiling ako sa sarili at pinilit nang matulog.
Sabay ulit kaming pumasok ni Elise kinabukasan. Sumabay ako sa pagkain sa mga tita ko. Hindi naman sila ganon kairita na nandoon ako. Hindi rin ganon ka-awkward kaya ayos na rin.
"Marami kasi kaming ginagawa. May bago na naman kaming project na kailangang paghandaan," si Elise nang tanungin ko sya kung bakit palagi syang nagpapatagal sa school.
Tumango ako. Normal lang naman talaga ang ganon. Hindi nga lang kami madalas nagkakaroon ng ganon. Minsan maghahanda nalang kami mismo sa classroom at doon na magrereport. Hindi na pinapatagal ng teacher na binibigyan pa kami ng ilang araw para makapag handa.
"That's so nice. I can clearly feel that she really loves our father so much," si Elise nang pag usapan naman namin ang painting ni Mommy na ibinigay sa akin ni Kuya.
I smiled. "Me too. Ikaw ba? Kapag nagmahal ka, mamahalin mo rin ng sobra?"
She shrugged. "I don't know. Hindi ko pa naman nararanasang magmahal o magkagusto. Ikaw?" Tumingin sya sa akin.
Bahagya akong natigilan. The first thing that came to my mind was Anton. Hindi ko alam kung bakit sya pero siguro dahil sya ang lalaking nagugustuhan ko ngayon. At sa tingin ko... magugustuhan ko pa ng matagal.
"Hindi ko rin alam. Siguro..." wala sa sarili kong sinabi.
"Oh?" Nanunukso syang tumingin sa akin. "May nagugustuhan ka na ba?"
Hindi ako nakasagot agad. I'm a little embarrassed to admit it to her. Alam nyang kahit kailan hindi pa ako nagkakagusto sa kahit na sinong lalaki. So I'm sure she will tease me if she finds out that I like someone now.
"Wala," sagot ko.
"Wee? Yung Anton?"
Nagulat ako roon. "Hindi! K-Kaibigan ko lang yon..."
She chuckled. "Alright. Kaibigan mo lang."
I glared at her but she only smirked at me. Nanunukso pa rin. Hindi ko nalang sya pinansin. Mabuti pala hindi ko sinabi. Ngayon pa nga lang nanunukso na sya, paano pa kaya kapag sinabi kong gusto ko nga si Anton?
I was eating quietly and reading a book in the cafeteria when Anton sat in front of me. Nandito rin sya kahapon at mukhang palagi na syang pupunta rito kapag umaga.
May hawak ulit syang sandwich. Inayos nya ang bag nya at tumingin sa akin. He smirked.
"Good morning..."
Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. That was my first kiss and... I didn't expect him to be my first kiss!
Tumikhim ako. "Morning..." at tumingin sa libro na para bang abala roon.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Novela Juvenil[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...