Kabanata 27
Meet
--
"Oh my gosh! Kung alam mo lang, Vics! Sobrang sweet nya!" Jaz said.
Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong kumakain habang tamad na nakikinig sa kanya. Wala naman rito si Kyle dahil may pinopormahan na babae. Wala tuloy makakuha ng atensyon ni Jaz. Naririndi na ako sa mga kwento nya.
"He's very kind! Gentleman pa! I really like him!"
"Kind and gentleman pero hinahalikan ka agad sa leeg at lips? Tapos hinahawakan ka pa sa legs?" Nagtaas ako ng kilay.
"Ano ka ba! Nagpaapam naman kasi sya sa akin! Yung ibang ex ko hindi naman nagpapaalam at basta basta nalang akong hinahawakan sa kung saan saan! Sya nagpapaalam sya. And that's very sweet for me!" Maarte nyang inimagine ang nangyari.
Umirap ako at nagpatuloy nalang sa pagbabasa.
"Wala na yata akong hahanapin pa. Ang bait bait nya. Sa lahat ng lalaking nakilala ko, sa kanya ako hindi nagsasawa!"
"Sino ba yan? Bakit hindi mo pa pinapakilala sa amin?"
"Nakilala na sya ni Kyle. Pero saglit lang at pina alis ko agad si Kyle dahil hindi na naman gusto si Jack katulad nung mga naging ex ko. Ikaw... ipapakilala ko rin sya sayo!" She smiled sweetly.
Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko nalang syang magdadaldal roon. I'm not really interested in meeting that guy. Pero dahil ganito sya kung magkwento, kesyo hindi na daw sya magsasawa at mukhang magseseryoso na, gusto kong makilala kahit papaano.
"Morning," dumating si Anton na dala dala ang mga libro nya.
Sa akin agad sya pumunta. Nasa harap ko kasi si Jaz at doon palagi ang pwesto nya. At dahil nandoon si Jaz, sa akin sya tatabi ngayon. Pwede naman sya roon sa gitna pero sadyang gusto nya yata sa tabi ko.
"Uy! Hindi pa kayo nagkukwentong dalawa, ah!" Tukso ni Jaz.
I smirked. Tumabi nga sa akin si Anton at may sandwich na rin sya. He glanced at me and smiled. I also smiled and continued with my book.
"Sus! Edi wag kayong magkwento! Ang daya ng isang to! Ako halos kinwento ko na lahat pero ikaw hindi ka manlang nagkukwento!" Pagtatampo pa ni Jaz.
"Ano ba kasing ikukwento ko?"
"Sainyo ni Anton! Syempre gusto ko namang malaman ang nangyayari sainyo!"
"Tss. Bakit ba wala ka sa boyfriend mo ngayon? Bakit nandito ka?"
"Akala ko nagtatampo ka na sa akin, eh kaya dito na muna ako. Bukas doon ulit ako kay Jack," she smiled.
Hindi ulit ako sumagot. Akala ko natakasan ko na ang topic pero hindi yata talaga ako makakatakas kay Jaz.
"Teka. Wag mo ngang ibahin ang usapan! Magkwento ka na dali!"
Anton chuckled and looked at me. Umirap ako kay Jaz.
"Nagbabasa ako."
"Tsh!" She pouted. "Ang daya talaga, eh. Sige na nga! Pero sa susunod, ah!"
"Oo," chismosa.
Sinabayan ulit akong kumain sa lunch ni Anton nung araw na yon. Wala na naman si Jaz at nandoon sa boyfriend nya. Wala rin si Kyle dahil nasa mga kaibigan nya at may kasamang magandang babae. Iyon yata ang pinopormahan nya.
"You can't understand?" Si Anton.
Tumango ako. Kanina ko pa binabasa yung nasa libro ko pero hindi ko magawang maintindihan. Parang nagkabuhol buhol yung utak ko.

BINABASA MO ANG
Loving Heart
Genç Kurgu[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...