Kabanata 40
Graduation
--
Galit pa rin sa akin si Elise. Kahit anong pakiusap ko na mag usap kami ng maayos, ayaw nya pa rin akong pagbigyan. Kahit ilang sorry na ang sinabi ko, ayaw nya pa rin akong patawarin at patuloy na nagagalit sa akin. Minsan naiiyak na ako dahil sa araw araw na pagsubok kong kausapin sya, iniignora nya lang ako.
Hindi na rin nagpakita pa si Anton pagkatapos ng gabing yon. Tinupad nya nga ang sinabi kong ayaw ko na syang makita pa. I don't know if he's just busy or he's just really avoiding me. We don't see each other in the coffee shop anymore because the next day that night, I resigned. Aside from Kuya not wanting me to work, I also really want to get out of there.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Araw araw nalang sa tuwing sinusubukan kong ayusin ang lahat, parang hindi umaayon sa akin ang tadhana.
Galit sa akin ang kapatid ko at tinulak ko rin palayo ang taong mahal ko. At sa lahat ng yon isa lang ang masasabi ko... nasasaktan ako.
Sobrang nasasaktan na ako. Ginawa ko naman ang lahat pero pakiramdam ko kulang pa rin. Ginagawa ko naman ang lahat para suyuin si Elise pero hindi nya pa rin ako pinapansin. Mas nasasaktan ako sa ginagawa nya kesa sa hindi namin pagkikita ni Anton.
"Ma... aga ka ngayon?" Nag aalangan kong tanong kay Elise nang papasok palang ako sa kusina ay lumabas na sya.
Huminto sya sa paglalakad at tinignan ako. Walang emosyon ang mga mata nya at ang palangiti nyang labi ay nakatikom na ngayon.
"Maaga ang practice namin ngayon," tipid at malamig nyang sagot bago ako lagpasan.
Pati ang masayahin at mahinhin nyang boses noon... naging malamig na ngayon.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa nawala na sya sa paningin ko. Malalim akong bumuntong hininga. Alam ko naman na nagdadahilan lang sya. Alam kong iniiwasan nya lang ako dahil ayaw nya akong makasabay kumain at makausap.
Tinanggap ko lahat ng yon. Dahil pakiramdam ko nararapat lang sa akin yon. I accepted her treatment of me even though I was already hurting. I accepted everything because I hope she will still forgive me. Na maglalaho rin kalaunan ang galit nya dahil mapagtatanto nya na iisang lalaki lang naman ang dahilan ng lahat ng ito.
"Are you alright?" Isang araw tinanong ako ni Kuya.
Hindi ako sumagot. I just stared at the beautiful stars on the dark sky. Malamig ang hangin at malakas rin. Sumasayaw ang mga puno dahil sa pagsimoy nito.
Nandito ako sa teresita ng kwarto ko at hindi na ako nagulat na pumasok rito si Kuya nang walang paalam. Palagi nya naman itong ginagawa. Hinahayaan ko lang naman dahil bukod sa nasanay na ako, na-miss ko rin sya kahit papaano.
I heard him sighed. "Pinagsabihan ko na si Elise. I don't know what's going on with you two but you shouldn't treat each other like this."
Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya. "Sana hindi mo na pinagsabihan. Kasalanan ko naman."
Hindi sya nagsalita. Tinitigan nya lang ako. Maliit akong ngumiti.
"Hindi nya lang siguro ako kinakausap dahil gusto nyang magpalambing. Hayaan na natin. Magkaka ayos rin kami, wag ka nang mag alala."
He sighed and walk towards me. Hindi ko inaasahan na yayakapin nya ako. Hindi ko alam kung para saan yon. Hinimas himas nya ang buhok ko at marahan akong hinalikan roon.
"I know you, Elisha. Hindi mo ako kailanman maloloko. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo," he said.
Hindi ako nagsalita. Mas lalo nya akong niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Genç Kurgu[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...