KABANATA 23

257 4 1
                                    

Kabanata 23

Date

--

Nakalista na ang nga bibilhin ko. May nakita pa akong brand ng make up roon at mas lalo pa akong namroblema. Mukhang pupunta pa ako sa mall para bilhin ang mga pampaganda ng nga tita ko. Nakakainis naman. Akala ko ba mag gogrocery lang ako?

"Hi..."

Nagulat ako nang bumungad agad sa harapan ko si Anton. I just got out of the car. Hindi ko inaasahan na mauuna pa sya sa akin. Napajurap kurap ako. Akala ko maghihintay pa ako, eh.

Tumikhim ako para itago ang kaba. "Nandyan ka na pala. Halika na."

Preskong presko sya ngayon. Naka polo at pantalon. Maayos na maayos ang buhok nyang kumikintab. Ngayong nakapolo sya, kitang kita ko ang muscle sa braso nya. Agaw pansin sya dahil sa kagwapuhan nya kaya naman lahat ng babaeng napapadaan at nadadaanan namin ay nadidikit na ang mata sa kanya.

Tinignan ko ang papel na may nakalista. Nakapasok na kami sa loob ng store. Kukuha na sana ako ng cart pero inunahan ako ni Anton. Sya na ang nagtulak noon at hinintay nalang akong kumilos. Tinitigan ko sya. Nagtaas naman sya ng isang kilay sa akin.

"What?" He asked.

Mabilis akong nag iwas ng tingin at umiling. Naglakad nalang ako at sumunod naman sya sa akin. Kinuha ko ang mga nasa listahan.

"Do you do this often?" Tanong ni Anton.

"Ngayon lang. Nautusan lang."

"Mmm. Don't you have a helper to do that?"

"Meron. Pero gusto akong parusahan ng mga tita ko dahil sa paglalasing ko nung gabing yon."

"Pinagalitan ka?"

"Hindi naman..."

Lumapit sya sa akin. Nakahinto ako dahil kunukuha ko yung nasa taas na mga tinapay. Lumapit sya at sya na ang kumuha noon para sa akin. Bahagya pa akong natigilan. I could smell his fragrant smell because of his closeness. He put the bread in the cart and looked at me. Merong ngisi sa labi nya.

"You're wearing the perfume I gave you..." puna nya.

Mabilis akong lumayo sa kanya roon. I forgot that I used the perfume he gave me. Hindi ko inaasahan na maaamoy nya pa yon.

"You smelled it? Bakit alam mo ang amoy?" Tanong ko.

"Inamoy ko," anya at may kinuha sa bulsa nya. Nang makuha yon, hinarap nya sa akin. "Dala ko rin ang regalo mo."

Umawang ang labi ko. Wallet iyon na halatang gawang kamay. Hindi ko alam kung anong ibibili ko kaya iyan nalang ang nakuha ko. Paalis na rin kasi kami noon dahil masyado na kaming nagtatagal.

"It's pretty, huh? I like it," he said and looked at it.

Ngumuso ako at nagpatuloy nalang sa pagkuha ng mga nasa listahan. Hindi ko inaasahan na dadalin nya ang regalo ko sa kanya. And... he likes it? I wanted to smile but I held back.

"Kung hindi ako tumawag, wala kang magiging kasama?" Si Anton maya maya.

"Busy si Elise. Nag golf daw si Jaz. Kaya... oo. Ako lang mag isa. Kaya ko namang mag isa."

Umangat ang gilid ng labi nya. "Bakit mo ako sinama kung kaya mo naman palang mag isa?"

Tumingin ako sa kanya. Bahagyang natigilan sa sinabi nya. He smirked more. Nilapit nya sa akin ang mukha kaya napa atras ako at nanlaki ang mga mata.

"Because you want to be with me?" He said.

Umawang ang labi ko roon. I want to deny that but I know in myself that there's a part of me that... really want to be with him! Uminit ang pisngi ko.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon