Kabanata 42
Goodbye
--
"What?" Natigil si Jaz sa pagsipsip sa milktea nya. She looked at me with disbelief.
I sighed. Malungkot akong ngumiti sa kanya. Nandito kami sa isang milktea shop. Nakipag kita ako dahil may mahalaga akong sasabihin. Unang araw ko palang sa school, sya na agad ang naging kaibigan ko. At nang nagtagal, tinuring ko na ring tunay na kaibigan. Hindi maganda kung hindi ko ito sasabihin sa kanya.
"Are you serious with that?" She asked, still cannot believe of what I just said.
"Yeah..."
"Paano na yan kung ganon? Sa Cebu ka na mag aaral at hindi na tayo magkikita?"
Tumango ako. I chuckled because of her reaction. Hindi talaga sya makapaniwala. Ako rin naman hindi makapaniwala. Pero siguro ito ang makakabuti para sa lahat.
"Anong pumasok sa kokote ng Kuya mo at pinapabalik nya kayo sa Cebu? Nakakainis naman!" Sumandal sya sa upuan nya at humalukipkip. Iritado nyang tinignan ang kawalan.
Sobrang nagalit na si Kuya. Mukhang napagod na sya sa hindi namin pagpapansinan ni Elise kaya ngayon pinapabalik nya kami sa Cebu. Sobra syang nagalit na wala na kaming nagawa wa desisyon nya.
"Ayokong makialam sainyong dalawa dahil malaki naman na kayo. Pero Kuya nyo ako. Hindi ko gusto na nag aaway kayo ng ganito. Hindi ko man alam ang dahilan ng pinag aawayan nyo!" He spat angrily.
Bahagyang umangat ang balikat ni Elise sa takot sa sigaw ni Kuya. Napayuko sya. Yumuko rin ako at bumuntong hininga nalang.
"Malaki man o maliit na bagay ang pinag aawayan nyo, hindi dapat kayo nagtuturingan ng ganito. Magkapatid kayo at dapat inaayos nyo yan. Pero imbes na ayusin, hindi pa kayo nagpapansinan! Anong mangyayari sainyong dalawa nyan?"
"I'm sorry. It's my fault, Kuya. Ako nalang ang pabalikin mo ng Cebu. Dito nalang si Elise. Mas... gusto nya rito," sabi ko.
Nakita kong nilingon ako ni Elise. Nilingon ko rin sya pero nag iwas agad sya ng tingin, halatang galit pa rin sa akin. Yumuko nalang ulit ako.
"No. Kayong dalawa ang babalik sa Cebu. Doon kayo mag aaral at walang uuwi rito hanggat wala akong sinasabi."
"K-Kuya, my friends are here. Hindi ako pwedeng umalis rito..." Elise pleaded.
"No," matigas na sinabi ni Kuya.
"K-Kuya--"
"I said no, Elise!"
Nagulat at napayuko muli si Elise sa sigaw na yon ni Kuya. Nanatili akong nakayuko.
Mula bata kami, takot na kami kay Kuya. Mabait naman sya sa amin, sobrang bait at palagi kaming inaalagaan. Pero may pagka istrikto sya. Wala kaming nagagawa sa tuwing sya na ang nagsasalita. Ngayon hindi naman na ako takot sa kanya pero alam kong kailangan ko syang sundin. Lalo na kapag ganito sya kagalit.
"Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi ulit rito. Galit na galit si Kuya at... mukhang hindi kami pagbibigyan sa kahit anong hiling namin sa ngayon," sabi ko.
Jaz sighed. "Ano pa nga bang magagawa ko? Tsh. Nakakainis lang. Bakit ba takot kayo sa kanya?"
"Hindi ako takot sa kanya. Pero nakakatanda namin syang kapatid. Kailangan namin syang sundin. Lalo na at sya ang tama sa ngayon."
"Bakit kasi hindi nalang kayo mag ayos ni Elise? Is she that angry with you?"
Tinignan ko sya at dahan dahang tumango. Yes. She's that angry with me. Na kahit galit na si Kuya, si Kuya na kinatatakutan nya sa lahat, hindi nya pa rin ako patatawarin.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...