KABANATA 19

247 4 1
                                    

Kabanata 19

Jealous

--

"Let's go?" Ngiti ko kay Elise.

She nodded and smiled as well. Kumapit sya sa braso ko at sabay kaming naglakad palabas ng mansyon. Today is the first day of school after a long holiday. Sabay kaming papasok ni Elise. Inagahan nya talaga ang gising para makasabay ako. Kumakain palang ang mga tita namin sa hapag at ngayon, aalis na agad kami.

"Take care..." I heard tita Rowena.

Nilingon namin sya ni Elise. Sinundan nya pala kami hanggang pinto. Elise smiled and waved to tita Rowena.

"Bye, tita!"

Tita Rowena smiled. Nilingon nya ako pagkatapos. I also smiled slightly at her and immediately pulled Elise away. Even if it's just the first day, I want to be early. Hindi ko naman na kailangang maghabol sa mga lessons dahil nakakasundo na ako sa kanila. I just really want to be early.

Tinext ako ni Jaz at tinanong kung maaga raw ba akong papasok. Sinabi ko namang maaga kaya siguradong maaga rin syang papasok ngayon. At dahil maaga sya, syempre maaga rin si Kyle.

"Good morning! Pasalubong ko?" Bungad ni Kyle sa cafeteria.

"Victoria! I missed you!" Sinalubong ako ni Jaz ng yakap.

Umupo silang dalawa ni Jaz sa harapan ko. Kumakain ako ng sandwich at natigil nang dumating sila. Sinasabi ko na nga ba maaga na naman sila. I smiled.

"Nasaan na? Dala ko na rin itong sa akin, oh!" Si Jaz at pinakita ang hawak na paper bag.

"Patingin?" Sabi ko.

"Pakita muna ng pasalubong namin!" Si Kyle.

Natawa ako. I took the paper bag below me and laid it on the table. Their gifts is already there. Nilapit ko yon sa kanila.

"Ayan," sabi ko.

"Wha! Oh, eto na!" Halos ihagis sa akin ni Jaz ang paper bag sa sobrang excited buksan ang regalo ko.

Kinuha ko ang paper bag na nilapag nya at bahagyang natawa sa kanilang dalawa ni Kyle. Nag unahan silang tignan ang laman ng paper bag.

"Teka lang! Ako na ang titingin!" Si Jaz.

"Ako na! Ilalabas ko rin naman, eh! Makikita mo pa rin!"

Nag away pa.

Natawa nalang ako at tahimik na tinignan ang pasalubong nilang dalawa sa akin. There are two books there and expensive make up and colone. Nilabas ko ang mga yon at tinignan isa isa.

"Sa akin yang libro. Sabi ko kay Kyle hindi ka mahilig sa make ups pero nagpumilit pa rin," si Jaz.

Nakita kong si Kyle na ang naglalabas ng mga pasalubong ko sa kanila.

"That's okay. I like it," sabi ko at ngumiti.

"Whoa!" Jaz took the simple bag I bought for her. Namamangha nya iyong tinignan.

That bag is not expensive. That's not the type you can find in malls or expensive shops. It's simple and obviously handmade. Yung kay Kyle naman, hoodie jacket at isang t-shirt. Hindi ko alam ang ibibili ko sa kanila kaya iyan nalang.

"OMG! Thank you! I'll take this as a birthday gift na rin!" She said.

"Birthday gift?" Gulat kong tanong. "Birthday mo ngayon?"

"Ah, hindi pa naman ngayon!" Bahagya syang natawa. "Bukas pa! Syempre invited ka! Buong batch natin invited tsaka invite mo rin si Elise, ha! Tsaka yung iba mo pang friends! Lahat na!"

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon