KABANATA 5

353 7 3
                                    

Kabanata 5

Vase

--

Natutulog pa ako nang malakas na tumunog ang phone ko. Bahagya akong nairita. Kinuha ko ang unan ko at tinakpan ang tenga. Nagpatuloy ako sa pagtulog. Pero ang lintik na cellphone ay tumunog ulit. Inis akong bumangon at inis na kinuha ang phone sa side table. Walang tingin tingin kong sinagot ang kung sino man ang tumatawag.

"What?" Iritado kong sagot.

"Whoa! Easy!" Si Jaz yon.

"What do you want? Umagang umaga, Jaz."

"Excuse me? Magtatanghali na po! Natutulog ka pa rin?!"

What? I looked at the clock above the door of my room and saw that it's already eleven in the morning. Nagkamot ako ng ulo at humiga ulit. Kunot ang noo dahil inis pa rin.

"What do you want?" Tanong ko.

"I just want to say na uuwi na ang pinsan ko--"

"Sinabi mo na yan," iritado kong putol.

"Oo nga. But I just want to say that he's handsome and looking for a girlfriend. Nag-request sa akin na hanapan sya ng girlfriend kapalit ng sapatos at make ups na pasalubong. So pwede ka ba?"

"What the hell? Inistorbo mo ako para lang dyan?" Kunot noo kong sinabi, mas lalo pang nairita.

"Sige na! Don't you want to have a boyfriend?"

"Ayoko! At wala sa plano ko ang ganyan! Kaya wag mo akong istorbohin!"

"Victoria naman! Ngayon lang to, oh! The make ups in other countries are good especially the shoes kaya pagbigyan mo na ako--"

"Tigilan mo ako, Jaz. Hindi ako interesado," sabay baba ng tawag.

Inis akong nagpapadyak sa kama dahil naistorbo ang tulog ko. I got up and went to the bathroom to clean up. Iritado ako kaya mabilis lang ang naging pagligo ko at pag aayos. I sat on my bed to dry my hair. I picked up my phone and saw the text of an unknown number.

Unknown number:

Good morning! This is Anton.

Natigilan ako sa nabasa. Kanina pang eight iyon ng umaga. Kung kanina inis na inis ako, ngayon para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kanina pang eight yon. Dapat pala gumising ako ng maaga! Pero teka?! Why would I wake up early just for him? Ano ba itong mga pinag iiisip ko.

I stared at my phone. Hindi ko alam kung magrereply pa ba ako dahil kanina pa naman yon. But it would be embarrassing if I don't reply. He might say I'm cold again or I'm rude. I don't care what he thinks but he's my friend. Somehow, I want to keep my current friends because I have never had such friends in Cebu.

Victoria:

Morning.

Ibababa ko na sana ang phone nang tumunog iyon. Nagulat pa ako. Agad kong tinignan ang nagtext at mas lalo pang nagulat nang makitang si Anton yon. Ang bilis naman nyang magtext?

Anton:

You just woke up?

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit pero nahihiya akong aminin na ngayon nga lang nagising. I looked at the time and saw that it's already twelve o'clock. Pero bakit ba ako nahihiya? Sino ba sya?

Victoria:

Yup.

Napapikit ako. Parang gusto kong bawiin yon pero nakita na nya agad. Binaba ko nalang ang phone at tinanggal ang tuwalya sa ulo. Nagsuklay ako at hindi na nagpatuyo ng buhok. I left my phone on the bed and just left my room, no more plans to see if Anton will text again.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon