Kabanata 38
Stole
--
"Take back Elisha's clothes inside. She's not leaving here," mariing utos ni Kuya sa mga kasambahay pero hindi pa rin naaalis ang mariing titig kay tita Teressa.
Mabilis na sumunod ang mga kasambahay. Isa isa nilang pinulot ang mga damit kong nagkalat sa damuhan. Binitawan na rin ng mga bodyguards si tita Rowena at pumunta sila sa likod ni Kuya.
"May sugat ka..." si Francesca na kinuha ang kabilang siko ko.
"Ayos lang ako," sabi ko.
Kuya turned to me and also looked at my wounds. Kunot na kunot ang noo nya at kitang kita pa rin ang galit sa mga mata. Huminga ako ng malalim dahil alam kong hindi nya palalagpasin ito. Pero wala na akong panahon rito. Gusto ko nang makausap si Elise.
"Gamutin ito sa loob," utos nya at bumaling kina tita. "At mag uusap tayong apat."
"I'm fine. Kailangan ko pang makausap si Elise," sabi ko at naglakad na agad papasok sa loob ng bahay.
"Elisha," may pagbabanta sa boses nya.
I sighed and turned to him again. "I'm fine. Kaunting sugat lang ito. Kailangan ko pang makausap si Elise."
May sasabihin pa sana sya pero tumalikod na ako at mabilis nang naglakad papasok. Francesca followed me with her arms crossed while the small, expensive bag was in her arm. She's wearing a floral dress and her hair is on a half ponytail. She looks georgous and elegant, as usual.
"What happened?" She asked.
Hindi ako sumagot at bumuntong hininga lang. Umaakyat na kami sa hagdan. She has a room here but I don't know if she's going there. Mukhang susunod sya sa akin papunta kay Elise.
"Wag ka munang sumunod, France. Kailangan naming mag usap," sabi ko nang magpatuloy sya, malapit na kami sa kwarto ni Elise.
"I want to see her and I want to know what's happening."
"Mag uusap na muna kami. Doon ka muna sa kwarto mo."
She sighed. Alam nyang may seryoso talagang nangyayari. "Fine..."
Huminto ako sa tapat ng kwarto ni Elise at dumeretso naman sya papunta sa kanyang kwarto. I sighed and faced Elise's door. Inangat ko ang kamay ko at kahit nag aalangan, dahan dahan akong kumatok.
"Elise?" I called.
Hindi sya sumagot. I sighed and knocked again. Alam kong nandoon sya sa loob at ayaw nya lang akong pagbuksan.
"Elise, please let's talk..."
"No!" I heard her.
"Elise, please... Ano bang problema?"
Biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang umiiyak pa rin na si Elise. Namumula ang mukha nya at namumugto pa rin ang mga mata. Pero kahit ganon ang itsura nya, masama pa rin ang tingin nya sa akin.
"Elise..." hindi ko naman alam ngayon ang sasabihin ko ngayong nandito na sya sa harapan ko.
I feel like I already know the problem but I'm still not sure about it so I don't want to talk first. Gusto kong malaman mismo sa kanya kung ano ang problema.
"Anong problema? Hindi mo ba talaga alam?" She said sarcastically.
"Bigla ka nalang umuwi nang umiiyak. May... ginawa ba sayo si Anton?" Nag aalala kong tanong.
Natawa sya pero matalim ang tingin. "Hindi mo talaga alam? Talaga, Victoria?"
Hindi ko alam ang isasagot ko. Pakiramdam ko nga tama ako sa hinala ko. Mukhang alam ko na nga kung bakit sya nagkakaganito.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Jugendliteratur[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...