KABANATA 34

216 6 1
                                    

Kabanata 34

Miss

--

"OMG! Narinig ko kanina yung mga kaibigan ni Wesley. Bibigyan nya daw ako ng flowers at teddy bear sa valentines!" Kinikilig na kwento ni Jaz.

Nandito kami sa cafeteria, umaga. Nandito ulit silang dalawa ni Kyle kaya kahit subukan kong magbasa, hindi ko magawa dahil sa ingay nila. It's okay though. Hindi rin naman talaga ako makapag focus sa pagbabasa. Maraming tumatakbo sa isip ko.

"Sino na namang Wesley yan? You have a new boyfriend again?" Si Kyle.

"Yup! Wala na kami ni Jake. Ayaw ko na dun."

Kumunot ang noo ni Kyle. "Jake? Hindi ba Jack yon?"

"Oh!" Jaz laughed. "I forgot already! Jack nga pala!"

Umirap at umiling si Kyle. "Tinatawag mo pa akong babaero. Ikaw rin pala itong lalakero."

"Hoy! Hindi, ah! Hindi ako katulad mo! Ako, kapag nasa isang relationship ako, nagseseryoso ako! Eh, ikaw? Katawan lang ang habol mo palagi!"

"Tss. Nagseseryoso? Hindi mo nga matandaan ng maayos yung pangalan. Mas natandaan ko pa kesa sayo."

"Hindi ka naman gusto ni Elise."

Kumunot ang noo ni Kyle at naging iritado na naman ang mukha. "Bakit nasama na naman sya sa usapan? Anong connect non? Para lang may masabi ka?"

Jaz smirked. "Bakit? Nakakagalit ba? Nakakainis? Kasi hindi ka gusto ni Elise?"

"Shut up!"

"Wag mo nga akong sigawan! Porket hindi ka lang gusto ni Elise--"

"Subukan mo pang ulitin yan, Jaz..." banta ni Kyle, mariin ang titig sa kanya.

Ngumisi si Jaz, hindi natatakot sa pinsan. "Hindi ka gusto ni Elise."

Kyle's jaw clenched. Kumunot ang noo ko dahil parang nagalit talaga sya roon. He stood up and without saying a word left the cafeteria, mabibigat ang mga paa. Sinundan namin sya ni Jaz ng tingin. Bahagyang umawang ang labi ko sa gulat at pagtataka.

He's... mad? Why?

Wag mong sabihing...

"Oh my gosh! Don't tell me he really likes Elise?!" Si Jaz na nagulat rin.

Iyon rin ang gusto kong sabihin. Mas lalong kumunot ang noo ko at tumingin sa nilabasan ni Kyle. He likes... Elise? Really?

I remember him staring at the picture of Elise and me then. Kung paano sya tumitig kay Elise kapag nandoon sa parking lot. Hindi nga lang sya tinitignan ni Elise dahil busy si Elise kay Anton. Hindi ko pinapansin yon noon dahil akala ko namangha lang sya na magkamukha kami. Nagkamali pala ako.

I sighed heavily. So sorry for you, Kyle. Elise already likes someone else.

"Ngayon ko lang sya nakitang nagkaganon. Kailanman hindi sya nagseryoso ng babae!" Si Jaz na hanggang ngayon gulat.

I smirked. Really? Sayang pala kung ganon. Kung kailan sya nagseryoso, saka naman sya hindi gusto.

"I can't believe this! Kinikilig ako na naiinis! Baka kasi hindi nya naman sineseryoso si Elise."

"Akala ko ba seryoso na sya?"

"Eh, syempre hindi pa rin natin sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman nya. Wag natin syang pangunahan."

"Tss."

Kung totoo ngang gusto ni Kyle si Elise, malas sya. At hindi lang sya, pati na ako. Malas kaming dalawa.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon