KABANATA 22

244 5 1
                                    

Kabanata 22

Come

--

Anton's smile never fades every time he sees me. Maraming umoorder sa itaas kaya madalas akong mapunta roon. At kapag nagtatama ang mga mata namin ni Anton, hindi na naaalis pa sa akin ang tingin nya. May ngiti pa sa labi na para bang nababaliw na.

Umiinit ang pisngi ko sa tuwing nakikita ko sya. Kinukunot ko ang noo sa kanya at iirapan sya. Tatawa naman sya at iiling. Minsan hindi ko na rin mapigilan ang ngiti ko pero pilit kong pinipigilan dahil nakakahiya sa mga customer.

The other customers really moved up here just to watch Anton and me. They are curious because Anton called me earlier downstairs. That's embarrassing. They are all curious about me. May iba pang nakakakilala kaya mas lalo pa akong namroblema.

"She's Victoria Villanueva, right?"

"No, I don't think so. I think she's Vallerie Villanueva."

"Hindi, eh. Tinawag sya ni papa Anthony kanina na Victoria. Kaya si Victoria yan!"

"Really?"

Bulung bulungan nila. Mga ka-schoolmate ko pa yata. I just don't pay attention because I don't care. It's a little embarrassing but that's not enough for me to give them my attention. Isipin nila ang gusto nilang isipin. Bahala na. Tsk. Si Anton kasi, eh.

I just really hope this doesn't spread. Or hopefully it doesn’t reach the internet. Malaking gulo ito. Especially since Anton's family, the Lavarias, are also well known.

"Why is she working? Aren't they rich?"

"Maybe she's not Victoria Villanueva?"

"Sya yon! Ka-schoolmate ko yan. Kalat na sa school na Villanueva sya."

Nakita ko ulit si Anton nang makapanik. Bulungan agad ang narinig ko tungkol sa akin. Pero tulad kanina, hindi ko nalang pinansin. Iniwas ko ang tingin kay Anton at nagpunta na sa tamang table. Tinititigan pa ako nung pinaglagyan ko ng order pero hindi ko sila tinignan. Umalis agad ako nang matapos.

"Excuse me..." narinig ko si Anton.

Natigil ako. Gusto kong pumikit ng mariin dahil alam kong ako ang tinatawag nya. Kalmado nalang akong humarap at tama nga ako, sa akin sya nakatingin. Nakataas pa ang kamay na para bang oorder talaga. Nagtungo ako sa kanya sa kalmadong paraan. I immediately felt the eyes on us.

"Sir?" Kalmado kong tanong kahit sobrang kinakabahan na sa kanya.

Nahihiya pa ako sa nangyari kanina. I can't believe we talked about that just now. Tapos ngayon magkaharap na naman kami na para bang walang nangyari. Pero traydor ang puso ko. Bumibilis na naman ito!

"Dala mo ang bike mo?" Imbes na mag order, nagtanong sya!

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Matalim ko syang tinignan pero kalmado pa ring nagsalita.

"Hindi po, Sir. Ano pong order nyo?"

He smirked. "You're really avoiding me, huh?"

Gusto ko nang magpakain sa lupa. Ano ba tong mga sinasabi nya?!

Huminga ako ng malalim. "Ano pong order nyo, Sir?"

He chuckled because I ignored what he said. Matalim ko ulit syang tinignan. Naiinis na talaga ako. Gusto ko nang makawala rito dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko pero ang tagal tagal nyang magsalita! Hindi naman ako nahihiya sa mga tao, kinakabahan ako dahil sa kanya! Kaya gusto ko na agad maka alis rito!

"One Americano," he finally said.

"Is that all, Sir?" Hindi ko na sinulat dahil iyon lang naman yata.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon