KABANATA 52

298 3 1
                                    

Kabanata 52

Man

--

Maraming tao at maingay na music ang nadatnan namin nang makarating sa malaking bahay nila Kyle. Nasa may pool side sila. It looks like they've been here for a while because some people are already swimming and the other girls are already in swimsuits. May malikot rin na ilaw sa itaas at aakalain mong nasa bar ka. Dagdagan pa g ingay ng mga tao.

Nauuna kami ni Elise sa paglalakad habang nasa likod naman namin si Kuya. Napakapit sa braso ko si Elise dahil hindi nya yata inaasahan na ganito kagulo ang madadatnan nya rito.

"Nasa loob sila. Dumeretso kayo sa pinto," utos ni Kuya.

Sinunod namin sya ni Elise. Maraming bisita roon ang napatingin sa amin. Yung iba nagulat at yung iba naman kinilig. Of course because the one and only Gabriel Villanueva is behind us.

Nakapasok kami sa loob ng malaking mansyon nina Kyle. Nakita namin roon ang iilang bisita at mga kasambahay na pinagsisilbihan ang mga bisita. Napansin kong kumpara sa labas, mas pormal rito sa loob.

"Vics!" Kumaway si Jaz na kasama ang mga kamag anak nya yata.

Ngumiti ako. She also waved at Elise but when her eyes fell behind us she suddenly lost her smile. Agad syang namula at pasimpleng inayos ang damit at buhok nya na para bang magulo yon.

I smirked. Lumapit kami sa kanya habang napansin agad kami ng mga kausap nya. They greeted us and talked with us for a while before leaving and letting us go.

"Where's Kyle?" Tanong ko agad kay Jaz.

"He's outside. Hindi nyo ba nakita?" She said and then glanced at the man behind us.

Nagbatian sila ni Elise habang ako ay nilibot ang paningin sa buong bahay. Maluwag iyon at kakaunti lang ang tao. Medyo tahimik rin at mahina lang ang music. Siguro nga mga kamag anak nila ito, lalo na dahil binabati kami ng iilan at nagpapakilala.

"Hanapin na namin si Kyle. Para maibigay na rin itong... regalo namin..." paalam ni Elise kay Jaz.

Jaz nodded. "Okay! Balik kayo agad, ah! Maraming pagkain rito, puro luto ko lahat! Meron rin naman sa labas pero mas masasarap ang pagkain rito sa loob!"

"Sure! Bye!" Ngumiti si Elise at nakipag beso sa kanya.

Umalis kami habang naiwan si Kuya roon. Busy si Elise sa kagustuhang lumabas na para mahanap si Kyle kaya hindi nya nakita ang paglapit ni Kuya kay Jaz. Hinawakan ni Kuya ang baywang ni Jaz at agad namang umapila si Jaz roon lalo na at maraming kamag anak nya ang nakatingin sa kanila. Ngumisi ako.

"Magugustuhan kaya nya ito?" Wala sa sariling tanong ni Elise habang nakatingin sa paper bag na hawak nya.

Tumingin ako sa regalo nya tapos sa kanya. "Bakit naman hindi?"

"I'm just worried. Siguradong marami na syang ganito kaya hindi ko alam kung masisiyahan ba sya rito..."

"Magugustuhan nya yan. Wag kang mag alala," I assured her.

She sighed. Ngumuso sya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Maingay at magulong crowd na naman ang bumungad sa amin pagkalabas. Napakapit tuloy ulit si Elise sa braso ko.

Maraming kakilala ang bumati sa amin habang naglalakad. Hindi namin alam kung saan hahanapin si Kyle pero mabuti nalang nakita namin agad sya. Nakaupo sya sa may pool side. There's a big sofa and he was surrounded by many of his friends and women. Lumapit agad kami sa kanya.

But before we could get close, Elise gripped my arm tightly, causing me to stop walking and look at her. Tulala ang mga mata nya sa harapan kaya napatingin rin ako roon.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon