Kabanata 33
Dumb
--
Pagod akong umuwi sa gabing yon. Palagi naman. Ang kaibahan lang ngayon, matamlay at mabigat ang pakiramdam ko. Marahan akong umupo sa kama ko at malalim na bumuntong hininga. Tumingin ako sa kawalan.
Umuwi na kami pagkatapos ng kaunting pag uusap nila. Anton and I never had a chance to talk again and I also don't want to talk to him right now. I don't yet know what to say or how to treat him. Hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakaharap ko na ulit sya.
Tumunog ang phone ko para sa isang text. Kinuha ko yon at tinignan. Si Anton yon. I stared at it for a moment before opening it.
Anton:
Are you okay? You're not very active earlier. Is there something wrong?
My heart ached again. Ilang sandali pa akong nag isip ng marereply dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.
Victoria:
Wala. I'm just tired.
Iyon nalang ang nasabi ko. I bit my lower lip.
Anton:
Are you sure? You're not talking to me...
Dahil hindi tayo pwedeng mag usap, Anton. Please give your attention to Elise. She likes you...
Victoria:
I said I'm tired. I'm sorry.
Anton:
Sorry. It's okay. Can I call?
Kahit gustuhin ko ring makausap ka, hindi ko rin alam ang mga sasabihin ko sayo. If I hear your voice, I might just get hurt again.
Victoria:
I'm tired already. Gusto ko nang matulog. Bukas nalang.
Anton:
Okay. It's alright. Then... good night!
Hindi na ako nagreply. Tinabi ko na agad ang phone ko at humiga na sa kama. Hindi naman na sya nambulabog pa.
I'm sorry, Anton. I know that your feelings for me will not last long either. I'm sure your attention will also go to Elise.
"She's so rude. Napaka sungit. Hindi mo pa sya nakikilala ng mabuti," Kyle said.
Hinampas sya ni Jaz sa braso. "Hindi kaya! Ang bait bait kaya ni Elise! Anong masungit eh napaka hinhin nga noon! Ang sabihin mo, hindi ka lang nya pinapansin! Ganyan ka kasi ngayon ka lang nakakita ng babaeng hindi ka gusto!"
Kyle glared at her. "I don't like her."
"May sinabi ba akong gusto mo sya?" Nagtaas ng kilay si Jaz at ngumisi.
"Tss," umirap si Kyle at nilabas nalang ang phone.
Jaz smirked more. "Ano? Wala ka nang masabi? Bakit? Gusto mo ba sya?"
"I said I don't like her, Jazmine!"
"Sus! Masyadong defensive. Wag mo nga akong sigawan!"
"Tss. Bakit ka ba nandito? Bakit hindi mo kasama ang babaero mong boyfriend?"
"Ano? Anong babaero? Ikaw ang babaero! Baliw na baliw kaya sa akin yon!"
Si Kyle naman ang ngumisi ngayon. "Hindi mo sigurado. Pero wag kang mga alala, kapag nakita kong may kasama syang iba, babasagin ko agad ang mukha nya."
Muli nyang hinampas si Kyle. "Napaka sama mo! Ikaw kaya ang babaero rito! Bakit ba hindi mo kasama yung nililigawan mo?"
"Hindi ko na gusto yon."
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...