Kabanata 11
I Don't Like
--
"Ang aga mo, ah?" Sabi ko nang tumayo sya at lumapit na sa akin.
His eyes are still dark. Malamig naman na sya noong unang pagkakakita ko palang sa kanya pero ngayon parang sobrang lamig nya. The irritation on his face was obvious. Kulang nalang magsalubong ang kilay nya sa sobrang ka-badtripan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.
"Yeah," I thought he's going to be rude at me because of his irritated face. But I'm wrong.
"Hindi makapag aral ng maayos sa kwarto?" Nagsimula na akong maglakad papunta sa counter.
Nakita kong nakatingin ang mga kasamahan ko sa amin. Ganon na rin ang iilang tao roon. I ignored them because I already knew why they are looking at us like this.
"Yeah," Anton answered. Nakasunod pa rin sya sa akin.
Tumango ako. Naramdaman kong nakasunod pa rin sya nang makarating ako sa pinto ng locker room kaya hinarap ko sya. Nakasimangot pa rin sya.
"Magpapalit lang ako ng damit," sabi ko.
Dahan dahan syang tumango. "Okay..."
I turned around and went inside the locker room. Habang kinukuha ang damit pangtrabaho, kumunot ang noo ko dahil sa insal ni Anton kanina. Anong problema non? Hindi maganda ang naging pag aaral kanina? May naka away? Problems with women? Sa huli, nagkibit balikat nalang ako.
Maybe he has a problem. Maybe he's like this when he has a problem.
"Close kayo ni Sir?" Usisa ni Mariz sa kalagitnaan ng pagtatrabaho.
Hindi na ako nilapitan ni Anton nang lumabas ako sa locker room. He was back at his table when I came out. Nakatingin sya sa akin pero nakasimangot pa rin. Kapag tumitingin ako sa kanya, naaabutan kong nakatingin sya pero mabilis rin syang mag iiwas ng tingin. Akala mo suplado. I can't help but wonder what his problem is.
"Hindi naman," sagot ko kay Mariz. Nagkunwari akong busy sa mga baso roon.
"Kinausap ka nya kanina, ah?"
I don't know why they make a big deal when Anton talks to me. Pero nang maisip na kilala nga pala sya at maraming nagkakagusto sa kanya, napabuntong hininga nalang ako.
"Kinamusta nya lang ang pagtatrabaho ko," sabi ko nalang.
Dahan dahan syang tumango. "Sabagay. Bago ka rito..." naging busy na rin sya sa mga customer kaya hindi na nagtanong.
I sighed again and continued what I was doing. Nasa counter ako at walang ginagawa. Sumulyap ako kay Anton at nakitang nakatingin sya sa libro nya, kunot ang noo at parang iritado pa rin. Ano kayang problema nito? Badtrip?
Like the previous nights, there were a lot of people again. Dumagsa na naman sila. Yung iba puro estudyante, excited makakuha ng upuan at makapag order. Then look around as if looking for something. Pumanik na si Anton dahil dumadami na ang tao. Tahimik pa kasi roon sa taas. Siguradong sya ang hinahanap ng mga kababaihang nagpupunta rito palagi. Kaya marami palaging tao kapag gabi.
Hindi na kami nakapag usap pa ulit ni Anton dahil busy na ako. We can only talk for a moment when I bring his order. It was just a simple conversation and I left immediately because I'm needed downstairs. Hindi ko na rin sya naisip dahil sobra talagang busy. Naramdaman ko lang ulit ang pagod ko nang makapag pahinga na.
"Grabe. Palaging stressed kapag gabi. Ang daming tao!" Reklamo ni Mariz. Nandito kami sa locker room.
"Nandyan kasi palagi si Sir Anthony," anang isa naming kasamahan.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...