KABANATA 26

214 6 1
                                    

Kabanata 26

Polite

--

When we arrived at the parking lot, I immediately saw our SUV. Tumigil kami ni Anton sa paglalakad at humarap na sa kanya para makapagpaalam pero natanaw kong bumukas ang pintuan ng SUV at lumabas si Elise. Nakaramdam ako ng saya dahil ngayon nya lang ako nasundo ngayon.

"Victoria!" Si Elise at nakangiting tumakbo papunta sa akin.

Nakangiti ko syang sinalubong. I laughed a little when she hugged me. Ngumiti ako nang maghiwalay na kami pero napunta ang tingin nya sa gilid ko kung nasaan si Anton. Nakita ko ang pagkakatigil nya nang makita si Anton kaya nagpasya ako na ipakilala sya sa kanya kahit bahagyang nahihiya.

"This is Anton, Elise, my friend. Anton this is my sister, Elise."

Anton smiled politely at my sister and held out his hand. "Nice to meet you, Elise."

Sandali pang natulala ang kapatid ko. Nagsalubong ang kilay ko at kung hindi ko pa sya tinawag, hindi sya magigising sa pagkakatulala.

"Ah! H-Hi! N-Nice to meet you too... A-Anton..." tinanggap nya ang kamay ni Anton at ngumiti.

Anton smiled politely again then turned to me. Humarap rin ako sa kanya para makapag paalam na. Elise's gaze remained on Anton, nandoon pa rin ang ngiti nyang hindi ko maintindihan.

"Mauna na kami."

He nodded. "Take care. Text me when you get home."

Tumango ako at bumaling na kay Elise para ayain na syang umalis. Nakatulala na naman sya kay Anton kaya tinapik ko sya. She quickly turned to me and smiled. But she also immediately looked at Anton to say goodbye.

"Bye, Anton!" Si Elise.

Tumango si Anton. "Bye."

Hinila ko na si Elise paalis. Ayaw nya pa kasi yata at nakatitig lang kay Anton. Nadala ko naman sya kalaunan. Nagtext sa akin si Jaz kaya hindi ko na natanong si Elise kung bakit ganon ang reaksyon nya kay Anton. Kagaya dati, Anton waited for our car to leave. Hindi ko naman na sya nabalingan dahil sa mga text ni Jaz. Habang si Elise nakatingin sa kanya.

Nakarating kami sa bahay at nagbihis agad ako para pumuntang coffee shop. Patuloy ang text ni Jaz tungkol sa kung ano anong nakakakilig na nangyari daw sa kanila nung boyfriend nya kanina. Sinasabayan ko nalang kahit panay na ang irap ko.

Elise was in the living room when I came down. She immediately stood up when she saw me. There was a smile on her lips and I also greeted her with a smile. Hinintay nya akong makalapit.

"Aalis ka?" Tanong ko.

Umiling sya. "Uh... hinihintay kita. Uhm... may... itatanong lang sana ako."

"Mmm? Ano yun?"

Hindi pa naman ako late sa trabaho kaya ayos lang na makipag usap muna kay Elise.

"Uh... yung si... uh... Anton?"

Ilang sandali akong natigilan. "Anton? What... about him?"

"Hindi ba sabi mo... hindi mo naman sya gusto at... kaibigan mo lang sya?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Una nagtataka ako kung bakit sya nagtatanong ng ganito at pangalawa... bakit parang kanina ko pa napapansin na interesado sya kay Anton? She wants to be friends with him too?

"Uh... yup. Why?" Hindi ko alam kung bakit ako nagsisinungaling.

Ngumiti sya. "Uh... wala lang! Ano palang... pangalan nya?"

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon