Kabanata 9
Pissed
--
"Kamusta naman ang unang araw mo kagabi sa pagtatrabaho?" Usisa ni Jaz.
Lunch na ngayon. Sabay kaming kumakain. Pero kahit ganon, pinagsasabay ko pa rin ang pagkain at pagbabasa ng mga notes. Hindi talaga ako pwedeng magskip sa pagbabasa. Hanggat may oras, magbabasa ako.
"Ayos naman," simple kong sagot.
"You said Anton's Mom owned that coffee shop, right?" Ayon na naman ang nanunukso nyang boses.
Tinignan ko sya at inirapan. Ito na naman sya. Umiling nalang ako at hindi na sumagot. She chuckled.
"Nagtatanong lang ako, ah? Makairap to!"
I didn't answer and just continued reading. Jaz is busy with her phone now. Hindi sya nagbabasa ng libro. May pangiti ngiti pa sya habang nakatingin sa phone nya na para bang may nakakakilig roon. Umirap ako dahil sigurado akong mga lalaking may abs na naman ang tinitignan nya.
Time just went by fast. Uwian na at sabay ulit kaming lumabas ni Jaz. It didn't rain that day. It's good because I'm just riding a bike. Mamaya hindi na naman ako makauwi. Naalala ko tuloy si Anton.
I picked up my phone and saw that he had a text there. We've been texting earlier but I lost the opportunity to reply again because I was busy reading a lot of notes. Binasa ko ang text nya.
Anton:
Pauwi ka na?
Kani kanina lang yon. Nagtipa ako ng reply habang maarteng naglalakad si Jaz, binabati ang mga gwapong lalaking nakakasalubong namin.
Victoria:
Yup.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang maalala na may klase pa sya ngayon. College students come home late compared to us so he definitely has a class right now. Why is he texting?
Anton:
Okay. Take care. :)
Victoria:
You still have class, right? Why are you using a phone?
Anton:
Yes. Sorry. I will listen to our professor now.
Umirap ako at hindi na nagreply. Tinabi ko nalang ang phone ko at nang makarating sa parking lot, nagpaalam na kami sa isa't isa ni Jaz. Nag bike na ako pauwi. The sky is still dark and the breeze is still cold but it's not raining anymore. Kaya hindi na ako nag alinlangan pang mag bike pauwi.
Wala pa si Elise nang makarating ako sa bahay. Wala rin ang mga tita ko. Napapansin ko nitong mga nakaraan busy sila sa trabaho. Maybe a lot is being done now especially since the holiday is coming. I just left a note for Elise so she wouldn't worry about me. Pagkatapos noon ay tumulak na ako papuntang coffee shop.
Ginamit ko na ang bike ko ngayon. One of our drivers was there but it probably won't rain now so it's just okay to use my bike. I'm wearing a black jeans, white t-shirt, leather jacket and black boots. I let my hair down. I have my shoulder bag for my phone and money. I also wore a sunglasses. The wind hurts my eyes while riding my bike so I wore it.
When I arrived at the coffee shop, I immediately saw people passing by looking at me. I put the sunglasses on top of my head and went inside the coffee shop. Kahit sa pagpasok, nakita ko agad ng pagtingin nilang lahat sa akin. Para bang may pumasok na artista kung makatingin sila. I ignored them and just walked.
"Victoria... ikaw ba yan?" Sinalubong ako ng isa kong kasamahan sa trabaho.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Yes. Why?"
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...