KABANATA 55

312 3 1
                                    

Kabanata 55

Love

--

"What the hell, Victoria!? Anong ginagawa mo dyan?"

Halos ilayo ko ang cellphone sa aking tenga sa lakas ng boses ni Irene. Bumuntong hininga ako at pinakinggan na muna sya.

"Alalaang alala ako sayo dahil alam ko nang gagawin mo to, eh! Sabi mo mag sho-shower ka lang pero nakarating ka na sa Tagaytagy? Ano? Nalunod ka ba sa bathtub mo tapos umahon ka sa dagat namin dyan!? Victoria naman!"

I sighed. Nilingon ko ang lola ni Irene na naglagay ng juice sa harap ko. Ngumiti ako bilang pasasalamat. Ngumiti rin sya at umupo sa single sofa na nandoon, pinagmasdan nya ako.

"Elise is worried about you too! Umuwi sya wala ka sa bahay at agad ka nyang hinanap sa akin! Alam ko na agad ang ginawa mo kaya tinawagan agad kita! Hindi ka naman sumasagot!"

"I'm sorry. Nasa byahe kasi ako..."

"Bakit ba kasi pumunta ka dyan? Is this because of what I told you? Victoria naman! I said don't believe it immediately!"

Hindi ako nagsalita.

"Hindi pa sigurado ang balita na iyon kaya dapat hindi ka muna nagdesisyon! Hinahanap ka na rin ni Anton ngayon!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Nandyan sya?"

"Wala! He called me earlier but I said I don't know where you are because I don't really know! Ngayon ka lang sumagot sa tawag ko!"

Nakahinga ako ng maluwag roon.

"Pasalamat ka hindi ko pa alam kanina kung nasaan ka dahil baka nasabi ko na sa kanya ang kinaroroonan mo!"

"Sorry. Don't worry. I'm fine. I'm just here at your house here. I'm with your grandmother."

Nilingon ko si lola Isadora. Ngumiti sya sa akin.

"Mabuti naman! Akala ko pumunta ka na sa kabilang bahagi ng mundo nang dahil lang sa rumors na iyon!"

"Si Elise? Nasabi mo na ba sa kanya?"

"Hindi pa. Ngayon ka pa nga lang sumagot sa tawag ko, diba? Tss. Pupunta ako dyan!"

"Wag na. Ayos lang naman ako rito. Kailangan ko lang ng oras para mag isip."

"Anong oras para mag isip? You're just wasting your time! The rumors that are spreading today are not true! My gosh, Victoria! Hindi ko alam na nagpapadala ka sa mga ganoong chismis!"

"Hindi sila maglalabas ng ganon kung hindi totoo, Irene."

"Maraming rumors talaga ang pinapakalat nila kahit hindi naman totoo. Ganyan ang media, Victoria. Especially when you are well known!"

I sighed. Hindi na ako nagsalita.

"Oh, ano? Ayos ka lang ba dyan?" Mataray pa rin ang boses nya.

"Oo. Dito na muna ako pansamantala."

"Uuwi rin ako dyan. Hintayin mo ako."

"Hindi na--"

"Uuwi ako!"

"Irene, may trabaho ka pa. Don't worry about me anymore. Ayos lang talaga ako."

"Sigurado ka ba?"

Kalaunan napapayag ko naman syang wag nang pumunta rito. I also told her not to tell Anton where I was. I turned off my cellphone immediately after that. Tumatawag na rin kasi si Anton sa akin and he also has a lot of texts that I don't want to read.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon