Kabanata 58
Vacation
--
"Marami pong nagpa reserved, Ma'am, para sa mga date nila. Bukas na po ang valentines."
Oh. I nodded and looked around my restaurant. Maraming palamuti sa labas at ganon rin sa loob. Puro puso, pula, para sa valentines bukas. Matagal nang may mga palamuti rito, ilang linggo lang bago ang valentines. Pero may idadagdag pa ako dahil pakiramdam ko kulang pa.
Ayoko naman ng sobra dahil magiging sobrang corny. Pakiramdam ko lang talaga may kulang pa.
"How about we put some musicians?" Sabi ko.
"Oh! Yes, Ma'am! Marami nga pong nagre-request nyan pero wala tayo noon. Kaya yung iba lumilipat sa ibang restaurant."
Tumango ako. "Hire some musicians, then. For violin and....piano?"
Ngumiti ang manager ko. "Noted, Ma'am!"
Umalis na sya para asikasuhin ang dapat na gawin. I crossed my arms and looked around my restaurant again. That's okay, right? I don't want to add more decorations because my restaurant will look corny.
"Ma'am!" Impit na tawag ng isang waitress ko, tila kinikilig.
Nilingon ko sya. "Yes?"
"Si Mr. Anthony Lavarias po nandyan na!"
I immediately looked outside and saw Anton entering the restaurant. My heart immediately pounded. Tumikhim ako at tumango sa waitress. Umalis sya habang may malaking ngiti sa labi, para bang kinikilig talaga. Nakita ako rin ang iba pang mga tauhan ko roon na ngiting ngiti habang pabalik balik ang tingin sa akin at kay Anton na nakapasok na sa loob.
Huminga ako ng malalim at binaba ang ballpen at papel na hawak. I left the counter and walked a little closer to Anton. His serious eyes immediately bore into me. He's wearing a long polo shirt. The sleeve of his polo shirt was folded up to his elbow. Halatang galing pa syang trabaho at dumeretso lang rito. Naglakad sya papunta sa akin.
Mga linggo na ang lumipas simula nang bumalik ako rito sa Cebu. As soon as I arrived, I arranged the things that should be arranged for valentines day. Ako ang naunang umuwi rito habang si Anton dalawang araw pang hindi nakasunod dahil may mga inasikaso pa sa hospital. Simula nang dumating sya palagi na syang pumupunta rito para bisitahin ako o para makasabay akong maglunch at magdinner.
Sabi ko sa kanya hindi na nya kailangang pumunta rito para kumain at pwedeng doon nalang sya sa hospital sa cafeteria nila pero ayaw nya. He wanted to be with me because he said that was the only time he had so why would he waste it and not come here to see me.
"Hi. How was your day?" Sinalubong nya ako ng halik sa noo at niyakap ng ilang sandali.
"Fine. How about yours?" I smiled.
"Fine too. Kumain ka na?"
"Nope. Hinihintay kita."
He smiled. "Let's eat, then. I missed you."
I chuckled. "Magkasama lang tayo kanina."
"Still..." he hugged me again.
I smiled and after a few more conversations, we went to our usual table. Uminit ang pisngi ko nang nakita ang mga taong nakatingin sa amin. Pati ang mga tauhan kong nakangiti, nakatingin na rin kahit may mga kanya kanyang ginagawa. I forgot that we are in a public place.
"Hindi ka ba busy? Dapat sa cafeteria nyo nalang ikaw kumakain. Mas mapapagod ka kapag papunta punta ka pa rito," sabi ko.
He was in front of me and staring at me seriously. But there was a small smile on his lips at hindi ko na pinapansin iyon dahil palagi naman syang may ngiti kapag kasama ako.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...