Kabanata 36
Call
--
What the hell is wrong with me? Hindi ko dapat ginawa yon! Pumikit ako ng mariin at pasalampak na naupo sa kama ko. Nababaliw na yata ako. Dapat tumanggi nalang ako at hinayaan syang mapahiya sa harap ng maraming students! I shouldn't have done that!
Anong gagawin ko? Ngayong pumayag ako sa yakap na yon, sigurado ako na mas lalo pang hindi mawawala ang atensyon nya sa akin. Ano bang kabaliwan ang pumasok sa utak ko at ginawa ko yon? So stupid, Victoria. You're so stupid!
Pero nangyari na ang lahat. Wala na akong magagawa. Hindi ko na yon mababago. Hindi ko na yon mababalikan. Sige. Fine! I will just go with the flow. Whatever will be the replacement for what I did, I will deal with. Hindi rin ibig sabihin na pumayag ako sa yakap na yon, hindi ko na ipagpapatuloy ang pag iwas ko. I will still avoid Anton no matter what happens.
"Oh my gosh! Tambak na naman! Baka maunahan pa ako ng boyfriend kong makipag break dahil wala akong time sa kanya! My gosh! Hindi pwede to! Dapat ako ang makikipag hiwalay!" Si Jaz.
"Tss," umirap si Kyle at ganon rin ako.
Tambak na naman nga ang mga gawain. Para sa iba nakaka stress yon. Pero para sa akin masaya yon. Dahil dito sa mga gawain na to nakakalimutan ko kahit sandali ang mga problema ko. Kaya sobrang saya ko kapag ang dami daming ginagawa.
"Patulong naman! Enjoy na enjoy, ah!" Puna ni Jaz isang araw nasa library kami.
I smirked. Gusto kong maraming ginagawa pero hindi naman ako uto uto. Hindi rin ako utusan o sunod sunuran. Hindi ko gagawin ang mga gawain na ibang tao dapat ang gumagawa.
"Please?" Ngumuso at nagpa-cute pa sa akin si Jaz.
"Tss. Hindi uubra kay Victoria yan. Pagtyagaan mo nalang yan," si Kyle.
"Hays! Naman, oh! Ang hirap!"
I smirked and continued answering and reviewing my notes. Kyle is also studying and I saw him like this for the first time. Actually nung nakaraan pa sya palaging may hawak na libro o kali man notebook. Dati palaging cellphone ang hawak nya o kali man puro babae ang kasama. Nanibago tuloy ako.
The next days are busy. Dumami ang mga gawain dahil palapit na ang exam. Ako sinabayan pa ngpagtatrabao kaya mas lalong naging busy. Minsan nalang ako maka reply sa mga text ni Anton at yung iba sinasadya ko pang hindi pansinin.
Masaya akong maraming ginagawa dahil nakakalimutan ko ang nga problema ko dahil roon pero ang isang ito lang ang... nagpapahirap sa akin.
It was so hard to just ignored his messages. So sometimes I can't stand it anymore and I will reply to him. Pero pinipigilan ko pa rin ang sarili ko. Palagi kong sinasabi na ayos na yung kaunting reply, ayos na yung nagreply ako sa kanya, ayos nang hindi na dugtungan at pahabain pa.
Palagi kong inaalala si Elise. I always remind myself that he's the person my sister likes so I have to avoid him. Kapag hindi ako umiwas, magagalit sa akin si Elise. Iyon ang palagi kong pinapa alala sa sarili ko.
Hindi yon madali. Palaging mahirap. Palaging masakit. But then it's my sister. My feelings doesn't matter when it comes to her.
"Ang sakit ng ulo ko..." reklamo ni Jaz.
Here we are again at the library. Ito na ang bagong tambayan namin ngayon dahil palapit na talaga ang exam. Kailangan naming mag aral ng mabuti at itigil muna ang pagpunta sa cafeteria para kumain.
"Kaya mo yan," si Kyle.
"Mukha na ba akong panda? My gosh, hindi ako nakatulog ng mahaba kagabi!"
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...