Kabanata 48
Sorry
--
Magkahawak kamay kaming pumanik sa hagdan ni Elise. Namamaga pa ang pareho naming mga mata pero hindi katulad kanina, may ngiti na sa mga labi namin ngayon.
Nauuna ang kwarto nya kesa sa akin kaya huminto kami nang nasa kwarto nya na kami. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin at walang gustong bumitaw. Umiiyak pa rin sya hanggang ngayon pero nakangiti na. I smiled too.
"Pumasok ka na," sabi ko.
"I'm really sorry, Victoria," she said it again.
Nasa hagdan palang kami iyon na ang sinasabi nya, paulit ulit. Natawa ako at umiling.
"Ayos na iyon, Elise. Wag mo nang alalahanin yon. Tapos na ang lahat ng iyon..." I said.
Tumango sya at sandaling yumuko. Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay nag angat muli ng tingin sa akin, may ngiti sa labi.
"Hindi na ako magagalit kung gusto mo pa rin si Anton..." she said.
Natigilan ako.
"Hindi na ako hahadlang," she smiled.
Hindi ako nakapag salita.
"Nung narinig ko ang mga sinabi ni tita Florence, napagtanto ko na mali ako. Sobrang mali ako..."
I licked my lips and stared at her.
"Tama sya," she nodded. "Kahit kailan... hinding hindi mo mapipilit ang isang tao na magustuhan ka," umiling sya at ngumiti. "You shouldn't force love. Because love has its own choice..."
I stared at her for a moment and I smiled. Nakahinga ako ng maluwag. Masaya ako na natutunan nya ang mga bagay na ito dahil sa pagsubok na pinagdaanan namin. Masaya ako na hindi na puno ng galit ang puso nya ngayon. Alam kong maayos na rin ang pakiramdam nya.
"Kaya hahayaan ko na kayo. Kung mahal nyo pa rin ang isa't isa, kayo na ang bahala. Hindi na ako makikialam sainyong dalawa," she smiled again. "Tanggap ko na ang lahat kaya sana... sarili mo naman ang unahin mo ngayon. Pagbigyan mo ang sarili mo. Give Anton a chance..."
Maliit akong ngumiti at yumuko.
"I know he still loves you. I saw it, Vics..." she added.
Napa angat ako ng tingin sa kanya, medyo gulat.
"Nung party... hindi manlang sya nalito kung sino sa ating dalawa si Victoria. Pagkapasok nya palang, na sayo na agad ang paningin nya. Kaya alam kong mahal ka pa rin nya. Kasi diba kapag mahal mo, kilalang kilala mo?" Medyo inosente nyang tanong.
Natawa ako ng bahagya pero natigilan rin sa sinabi nya. Ngumiti ako. Sa ngayon ayoko na munang pag usapan si Anton dahil alam kong gusto pa rin sya ni Elise. Ayokong masyadong madaliin ang mga bagay.
"Matulog ka na," sabi ko imbes na dugtungan ang sinabi nya.
Sya naman ang natawa ngayon. "Ayos lang sa akin na pag usapan natin sya, Vics," alam nya agad ang iniisip ko.
I sighed and stared at her. Ayokong maniwala. Alam kong gusto nya pa rin si Anton.
She smiled. "Nitong mga nakaraang araw... aaminin ko... hindi ko na sya masyadong naiisip," yumuko sya na para bang nahihiya. "May iba nang... pumapasok sa isip ko sa mga nagdaang araw..."
Nanlaki ang mga mata ko sa deretso at napaka inosente nyang pag amin.
What?
"Hindi ko alam kung bakit ganon. Hindi ko rin maintindihan..." nakayuko nya pa ring sinabi.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Genç Kurgu[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...