Kabanata 50
Love Birds
--
"Your Dad was a doctor, right?" Anton asked.
Ilang minuto kaming natahimik kanina at ngayon nalang ulit sya nagsalita. I honestly don't know how I will feel about what he said earlier. Gusto ko man ang sinabi nya, may pag aalinlangan pa rin ako dahil kay Elise. Parang trauma sa akin ang naging away namin noon. Natatakot na akong magkagalit ulit kami ngayon.
"Yeah..." I answered slowly. "And my Mom was an architect."
He nodded slowly. "Nasaan na ang dati nyong hospital?"
"Uh... nandito yon sa Cebu. Pero pinasara na ni tita Florence nang mamatay si Daddy. Wala na rin kasing gustong mamahala..."
Tumango ulit sya. "And you changed the name of your company, right?"
I nodded. "Fernandez Building iyon dati, sa Mommy ko. Ginawang Villanueva building nang mamatay sila," I said. "Paano mo nalaman?"
"From my parents," he sighed. "Your titas and my parents are close. Minsan pinag uusapan nila ang mga Villanueva, they are still sad about what happened to your parents before because they were really close friends."
Oh. I nodded because what he said was true. Although I don't remember the Lavarias then, I know my parents had many close friends. Siguro nga isa sila sa mga matatalik na kaibigan ng parents ko.
"By the way, what are you going to do later after this?" He asked.
I still can't forget what he said earlier but it would be better to just change the subject dahil masyado akong naiilang. Tumikhim ako.
"Bakit?" Nagtaas ako ng kilay.
"I just want to know," he said.
I sighed. "Dito lang ako. Hanggang gabi ako rito."
Tumango sya. "Dito ulit ako magdi-dinner mamaya."
Kumunot ang noo ko. "Aren't you busy? Hindi ba kailangan ng hospital na pinagtatrabahuhan mo ngayon ng doctor? Kaya ka nga pinadala rito?"
"Well... That's not really the... case."
What? Naibaba ko ang kubyertos na hawak at kunot noo syang tinignan.
"I will explain, alright?" He said when he saw my reaction.
Humalukipkip ako at naghintay ng sasabihin nya. Nagtaas ako ng isang kilay.
"I... uh... lied," he said. "No one sent me here. Hindi rin gaanong kailangan ng hospital na pinagtatrabahuhan ko ngayon ng doctor. Baka kasi magalit ka kapag sinabi ko ang totoong dahilan ko--"
"What?" Ngayon nagsalubong na talaga ang kilay ko. "Eh, anong ginagawa mo rito? Bakit ka pumunta rito?"
Parang alam ko naman na ang sagot pero gusto kong manggaling mismo sa kanya yon. Pero parang ayaw ko yatang sabihin nya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pag nagkataon.
"I came here because of you..." he said it.
Hindi ako nakapag salita.
"Baka magalit ka kapag sinabi ko yon kaya nagsinungaling ako. I'm sorry. I just want to... talk to you."
Huminga ako ng malalim at nagbaba ng tingin sa pagkain. Talk to me? Ano naman ang gusto nyang pag usapan?
"Ang pag uusap na gusto ko, nangyari na kagabi kaya ayos na. Ayos na sa akin ang mga sinabi mo dahil kahit papaano naliwanagan na ako," he added.
BINABASA MO ANG
Loving Heart
Teen Fiction[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman para lang maging masaya ang kanya...