KABANATA 53

288 4 1
                                    

Kabanata 53

Lost

--

"Please just join your friends. Elise is here," hinarap ko si Anton na hanggang ngayon nakasunod pa rin sa akin.

Nasa labas na kami at marami na namang nakapalibot na mga tao. Maingay pero nagkakarinigan pa naman kami. Sa hindi kalayuan ay nakita ko na si Elise kasama ang mga kakilala nya at hindi pwedeng makita nya kaming magkasama ni Anton. I also noticed that she's not with Kyle anymore.

Anton sighed. "Fine. Saan ka pupunta pagkatapos nito?"

"Sa loob lang. Hindi ako makiki party rito," alam kong iyon ang gusto nyang marinig.

Wala naman talaga akong balak maki party rito sa labas. Bukod sa hindi ako mahilig sa mga ganito, masyado ring magulo.

"Alright. I will text you," he said.

Tumango nalang ako para maka alis na sya agad. "Sige na."

He left and went to his friends who were just nearby. I took a deep breath and turned to Elise who was still talking to her friends.

Hinintay ko hanggang sa mapansin nya ako at agad naman nya akong nakita. She smiled and said goodbye to her friends for a moment before walking towards me.

"Wala kang kasama?" She asked.

Umiling ako. "Are you going to stay here?"

"Oo sana. Marami akong kakilala rito. Yung iba mga schoolmates ko nung high school. Ang tagal ko na silang hindi nakikita."

"Then stay here."

Tumango sya.

"Kamusta ang pag uusap nyo ni Kyle?" Tanong ko.

Nawala ang ngiti nya pero agad rin nyang binalik at sinagot ako.

"Maayos naman. Uh... nagka ayos naman kami..."

I nodded and didn't ask any more questions. I shouldn't interfere in her life anymore.  Hindi na kami mga bata ngayon.

"Nakita ko si Anton. Pina alis mo sya?" Si Elise.

Bahagya akong nagulat roon. Nakita nya kami?

She smiled. "Diba sabi ko ayos na sa akin ang lahat? Tanggap ko na at alam mo nang... may gusto na akong iba."

I didn't speak because I don't want to believe her. Hindi ko alam kung bakit ayokong maniwala. Maybe it's because I was so traumatized by our fight that I was afraid I would make a mistake again. We haven't talked for almost nine years and I feel like I was in hell at those times.

"I'm telling you I'm really fine with everything now. I don't like him anymore. Please... atleast for once, forget about me. Hmm?" She said.

I sighed. How can I forget about you? You are my sister. Sa tagal ng panahon na hindi tayo naging okay, natatakot na akong magkamali ulit. Ayoko nang maulit pa ang mga nangyari noon. Kapag nangyari ulit yon, hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magpatuloy.

"Sige na, Victoria. Don't think about me anymore. I'm fine," she convinced me.

Natatakot man ako ngayon, alam kong tama pa rin sya. Dapat ko munang unahin ang sarili ko. Kaya sige. I will do whatever I want now. Hindi ko na iisipin ang iba. Hindi na ako magiging malambot pagdating sa mga nararamdaman nila. They are the first ones I always think about, the first ones I always care about more than myself, sila nalang palagi. Kaya simula ngayon... ako naman. Sarili ko naman.

Nilingon ko ang kinaroroonan ni Anton at ng mga kaibigan nya. I immediately saw his serious eyes on me. He's watching me closely. Tila binabasa ang nilalaman ng aking utak. Tila hinuhulaan kung ano ano ang mga sinasabi ng aking mga mata.

Loving HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon