"Ano?!" bulaslas ko nang mabasa ang eksena sa script na kukuhanan ngayong araw, "at sinong nagsabing gumanti ako ng halik?"
"Dear, sinong maswerteng boylet ang nahalikan mo ngayon?" pangisi-ngising tanong ni Jigs habang inaayos ang mga gamit n'ya.
"Wala kang pake," madiin ang tono kong sabi sa sa kan'ya, "tabi nga d'yan."
Lumabas ako ng van bitbit ang script. Hindi na ko nag-abalang isara ang pinto ng van dahil kailangan ko ng maitama ang mga mali sa eksenang ito. Sobra naman na yata ang mga dinadagdag ni Hambog sa totoong nangyare.
Nilapitan ko si Jese na abalang minamandohan ang production crew.
"Pwedeng magsialis muna kayo?" tanong ko sa ilang malapit talaga kay Jese. Kausap n'ya ang mga 'yon ngayon pero wala akong pake.
"What is it?" walang gana na tanong n'ya sa akin.
Hinintay ko munang magsibalikan sila mga sa gawain nila para masigurong hindi nila kami pakikinggan.
"Bakit may kissing scene agad?" nakapamewang kong tanong sa kan'ya.
"Agad? When we open the movie, Laura and Leonardo are already lovers. I don't think a kissing scene, in the beginning, is inappropriate," paliwanag n'ya.
"Kahit na, may mali pa rin sa eksena na 'to. Hindi naman gumanti ng halik si Lau--"
"Why? Did you see the past already? Have you dreamed about it?" sunod na sunod na tanong n'ya.
"Huh? Hi-hindi, hindi, hindi pa --"
"What's the big deal? Don't worry the cameras will do all the work. You know, kiss angles, fake kissing scene? Wait, haven't you done this kind of scene several times?" medyo namilog ang mga mata n'ya, "Or else, you thought we're going to shoot this for real? That is fine with me!" sabi n'ya habang may nakakurba pataas ang mga labi n'ya at nakahawak pa sa magkabila kong braso.
"Iniisip ko lang naman si David. Kasi 'di ba, bago lang s'ya sa ganito, first time n'yang maging leading man sa pelikula," paliwanag ko ngunit hindi ko magawa s'yang tingnan, baka isipin n'ya ay gusto ko ang mga sinabi n'ya.
"Oh, right," sabi n'ya habang nakaturo pa paitaas ang hintuturo na n'ya, senyales na may naalala s'ya, "he said, he's cool with it."
"Hindi man lang s'ya nagulat?"
"More like he's not surprised because he already knew this is coming..."
"Nakita na n'ya 'tong eksena na 'to?! May nakita na s'ya sa nakaraan?" ewan ko ba pero konti na lang yata ay maghihisterikal na ko rito kakatanong.
Hindi n'ya ko sinagot at nagkibit-balikat lang saka pinuntahan ang crew na pinaalis ko kanina.
Hindi talaga ako mapakali kaya pinuntahan ko na si David.
Natagpuan ko s'ya sa maliit na tindahan, sarado na 'yon ngayon. Since gabi ang oras ng taping namin ay pinasara muna ang ilang establishment sa eskinitang ito, gayundin ang ilan pang gagamitin na location.
Kusang lumukot ang mukha ko kasabay ng paniningkit ng mga mata nang mapagtanto kong hindi s'ya mag-isa. May tatlong babaeng nakikipagkwentuhan sa kan'ya roon at kung hindi lang dahil sa ilaw sa poste at mga lighting equipment namin na nakasindi malapit roon ay aakalaing may milagro ng ginagawa sa kan'ya ang mangkukulam na mga babae 'yon.
"Excuse me, excuse me." Nakuha ko ang atensyon nila. "May pinagagawa yatang IMPORTANTE sa inyo si direk Cheng," pagkasabi ko ng pangalan ni Cheng ay karipas agad sila ng takbo. Kahit kasi babae at medyo bata pa ang assisstant direktor na 'yon ay sobrang strikta n'ya kaya takot ang halos lahat ng crew at mga artista sa kan'ya, syempre pwera ako.

BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...