Chapter 37

9 3 0
                                    

"Talaga bang nakatira ka rito?" tanong ko kay David nang makapasok kami sa apartment n'ya.

Ngayon kasing dalawa lang kaming narito ay nagmukhang malaki ang apartment n'ya, sobrang kaunti lang din ng mga gamit.

"Hindi, kay Kai talaga 'to. Mas madalas nga lang talaga s'ya sa bahay ng mommy n'ya dahil ayaw pa rin naman ni tita na bumukod s'ya. Kaya sa akin na n'ya pinagamit ito, sayang din kasi 'yong mga gamit na nabili na n'ya," paliwanag n'ya habang inaayos ang mga pinamili namin.

"Ah... ganoon ba?" tanong ko matapos umupo sa tapat ng maliit n'yang dining table.

"Akala ko ba gutom ka na? Wala ka pa bang balak magluto?" tanong n'ya sa akin habang abala pa rin sa pag-aayos.

"Gutom na nga ako, kanina pa. Pero hindi ako marunong magluto n'yan," sagot ko at agad naman n'yang hininto ang ginagawa n'ya.

Tumingin s'ya sa akin, "sino pa la ang magluluto?" 

"Ikaw," sagot ko kasama ng matamis kong ngiti, "bukod sa parang sisiw lang 'yon sa'yo, nakita kong nagluto ka ng buttered vegetables sa competition na sinalihan mo dati, mukhang masarap 'yon. Sinaulo ko pa ang ingredients n'yon para naman maging kalasa talaga ng ginawa mo dati."

"Pero sabi mo kare-kare ang lulutuin mo--"

"Nagbago na 'yon isip ko. Sige na, please. Mas mabilis naman 'yon lutuin saka tutulong naman ako, don't worry." 

Bihira lang ako makiusap sa ibang tao pero sinisiguro kong hindi masasayang ang laway ko sa paggamit ng mga magic words.

Habang abala s'ya sa pagluluto, sinubukan kong hanapin 'yong journal ni Tanda.

"Pagamit ako ng bathroom ah," casual na sabi ko sa kan'ya. Tumango lang s'ya habang nakatitig sa mga ingedients na gagamitin n'ya. 

Inoorasyunan kaya n'ya ung mga pagkain para sumarap?

Pumasok ako sa bathroom pero binuksan ko lang ang gripo roon saka dahan-dahang tinungo ang kwarto na tinuluyan ko kagabi. Sinulyapan ko pa ulit si David sa kusina bago tuluyang pasukin ang kwarto. Mukha namang hindi n'ya ko mapapansin dahil pokus na pokus s'ya sa paghihiwa ng mga sangkap.

Malinis na ang kwarto, tanging kama, electric fan, at nililipad na kurtina na lang ang nandoon. Sinilip ko ang ilalim ng kama dahil 'yon lang ang posibleng pagsuksukan ng notebook na 'yon. Gaya ng inaasahan ko, wala roon ang journal. Nahilo na ko kakaikot sa maliit na kwartong 'to pero kahit alikabok ay hindi nagpakita.

"Bakit wala rito?" tanong ko sa sarili ko, "baka naman nakita na n'ya at tinago n'ya."

Sinara ko na ang pinto ng kwarto at pinatay ang gripo sa bathroom para sana diretsong tanungin na si David tungkol sa journal pero mukhang hindi man lang n'ya napansin ang presensya ko kahit nasa harap na n'ya ako.

"David," tawag ko sa kan'ya.

Grabe pa rin ang pokus n'ya sa paghihiwa -- hindi s'ya naghihiwa ng sibuyas. Hawak lang n'ya ang kutsilyo at nakatitig roon. Nabalatan na n'ya ang sibuyas at nahati sa gitna pero hanggang doon lang ang nagawa n'ya sa tagal kong nawala kanina. Nagluluha na ang mga mata n'ya dahil sa matagal na pagtitig sa sibuyas. Nanginginig na rin ang kamay n'ya.

"Anong nangyayare sa kan'ya?" tanong ko sa sarili ko kasabay ng pagkulo ng tyan ko.

"Chef ka ba talaga? Bakit sibuyas lang di mo pa mahiwa? Hoy, David!" nilakasan ko ang boses ko sa pagtawag ng pangalan n'ya at salamat naman dahil naagaw ko na rin ang atensyon n'ya. 

Nakatingin lang s'ya sa akin at nanginging pa rin ang kamay n'yang may naghahawak ng kutsilyo.

"Pinurol ba ng pag-arte o kaya pagtuturo ng math 'yang cooking skills mo at paghihiwa lang ay nakalimutan mo na?"

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon