Chapter 34

9 3 4
                                    

Hindi ko alam kung nakikipaglokohan ba si David o ano. Pero bakit sa maliit na apartment n'ya kami naisip pagsiksikin ulit?

"Saan ba 'yon, sir?" tanong ni Manong Jun.

"Malapit lang ho rito, mga anim na kanto lang po. Medyo mataas 'yong lugar doon kaya hindi pa naman siguro ganito kataas ang baha roon."

"Sige, iho ituro mo na lang ang daan para mabilis tayong makarating," sabi ni Manong saka binalik sa normal na bilis ang takbo ng sasakyan.

"Ano?!" nagbabadya kong pagtutol sa kanila.

"Sir David pwede ba raw sumama sa atin sila Jigs? Kasama n'ya sila direk Mike saka 'yong mga nasa kabilang sasakyan na mga crew, kahit magpahupa lang daw ng baha, sir," si Mimi. Kausap pa n'ya sa kabilang linya sila Jigs na nasa unahan namin.

"Sige, mukhang kasya naman tayo roon, pero... hindi malaki ang apartment ko," sagot n'ya habang kinakamot-kamot pa ang ulo n'ya.

"Sige, po sasabihan ko na sila."

"Sandali, sandali. Sandali..."

Bago ko pa ko tuluyang makatutol nandito na kami sa apartment ni David.

Okay naman ang apartment nya, mas malinis at maayos pa nga ito kaysa sa inaasahan ko. Medyo may pagkaminimalist sya dahil basic appliances at pieces of furniture lang ang meron sya. 

"Nasa dulo sa kanan ang cr," dinig kong sagot ni David kay Jese. 

Parang nandidiri na ewan si Jese habang tumutungo sa cr, may dala syang mga damit na mukhang galing kay David.

"Uhm... alam ko medyo masikip pero --"

"Masikip talaga," sabat ko kay David. Pano ba naman halos maipit na ko rito sa couch n'ya.

"Sorry, miss," awtomatikong umusog si Jigs at Mike na nasa magkabila ko ganoon din ang apat pang taong pilit na umuupo rin sa couch na 'to, at salamat naman at nahiya ang dalawa sa mga 'yon dahil hindi na sila umupo pa at tumayo na lang sa kung saan mang gilid.

"Alam ko MASIKIP, pasensya na kung ganoon," pagpapatuloy ni David, "at sa lakas ng ulan mukhang mamaya pa huhupa ang baha, may isa pa namang extrang kwarto kung gusto n'yong magpalipas ng gabi rito."

"Ay! Want ko yan," kita sa kislap ng mga mata ni Jigs ang pagkagalak. Karamihan kasi sa mga production crew na narito ay mga lalake.

Napairap na lang ako. Alam ko namang nagbibiro lang s'ya dahil mahal na mahal n'ya ang boyfriend n'ya.

"Para namang kasya kaming lahat sa kwartong 'yon."

"Magkape ka kaya muna, dear. Baka sakaling madaig ng init ng kape 'yang init ng ulo mo," alok sa akin ni Jigs ng tasa ng kape na hawak n'ya. Pinayagan ni David na magtimpla ng kape si Mimi at ang iba sa kusina n'ya.

"Alright, sinong may gusto ng malutong na malutong na fried chicken!" sigaw ng taong kapapasok lang sa apartment. May dala s'yang apat na bucket ng fried chicken. 

"Ah! Baby boy ako, gusto ko ng chicken mo... pwede na bang matikman?" bago ko pa namalayan nakalipad na si Jigs sa dagdag pasikip na dumating.

"Hindi kumakain ng fried chicken ang hippopotamus," pilit na inilalayo ng lalake ang sarili ata ang mga bucket kay Jigs.

Napasigaw ito nang tangkain ni Jigs na pisilin ang pisngi n'ya, "Pre, bakit hindi mo sinabing mag-aalaga ka ng hipopotamus?"

Napuno ang apartment ng tawanan dahil ayaw talaga s'yang tantanan ni Jigs.



Hinapunan ng buong grupo ang mga dala ng lalakeng 'yon. Ang halos lahat ay nasa living area, pinapanood si Hambog sa mga eksahirado n'yang pagkukwento ng mga bagay na wala naman akong pake.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon