Chapter 5

61 16 1
                                    

David's P.O.V.

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nya tungkol kay lolo Ernesto pero kung totoo man siguradong wala na si lolo rito.

"Bakit nakatayo ka lang dyan?" tanong ni nya sa akin habang nakatalikod ako.

Iginala ko ang mga mata ko pero kahit isang tao wala akong makita.

"Nakaalis na sya," sagot ko.

"Bakit mo sya hinayaang makatakas?" Ang taas na naman ng boses nya.

"I-report na lang natin sa police." Tumalikod ako para makaharap sya. "Ano ba yung kinuha sa'yo ni lolo --"

Pagtalikod ko nasa harapan ko nga sya at bumagal ang mundo ko ng makita ko ang mukha nya. Wala na syang face mask na suot. May mga butil ng tubig sa mukha at leeg nya na dahan-dahan nyang pinupunasan ng puting towel.

Madilim at gabi na nang dalhin ako rito ni lolo pero mas maliwanag pa sa bukang liwayway ang gandang nasa harapan ko. 

Tinigil nya ang pagpupunas sa mukha nya at naglakad papunta sa akin. Tumigil sa sya harapan ko at nagsalita. Her upper lips are in perfect shape of cupid's bow. 

"Hey!" sabi nya while snapping her fingers in my face.

"Ano yun?" bumalik na ulit sa normal na bilis ang mundo.

"Sabi ko matatagalan kung tatawag pa ng pulis, so let's go," sabi nya then she walked past me.

"Pero gabi na, baka hindi lang magnanakaw ang makasalubong natin," sabi ko habang sinusundan sya.

"Kapag hindi ko nakuha yung ninakaw nya sa akin, malaki ang posibilidad na mawala sa akin ang lahat." Tuloy-tuloy pa rin sya sa paglalakad at palinga-linga sa bawat madaanan naming bahay or street.

"Ano ba kasing ninakaw... kinuha nya?"

Naglakad lang sya nang naglakad at hindi ako sinagot.

"My lifeline," narinig kong sabi nya. Humarap sya sa akin. "Ninakaw nya ang huling pag-asa ng buhay ko."

Anong sinasabi nya? Lifeline? May sakit ba sya?

"This won't do. Maghiwalay na tayo para mas madali natin syang mahanap. Dito ako." Turo nya sa street na nasa kaliwa namin at nagsimulang naglakad papunta roon. "Anong pang hinihintay mo, hanapin mo na sya doon." sabi nya ulit ng makitang hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

Hindi sya titigil hanggat hindi nya nahahanap si lolo kaya minabuti ko ng pumunta sa direksyon na sinasabi nya. 

Ganoon naman talaga sya, kapag may bagay na gusto sya, hindi sya titigil hanggat hindi nya 'yon nakukuha. Kikilos sya na parang doon sa bagay na iyon lang nakadepende ang buhay nya. Ganoon na sya bago pa sya makilala ng mga tao bilang Crystal. Ganoon na sya at ganoon pa rin sya kahit walong taon na ang nakalipas.

"Bakit gustong- gusto mong mag-artista? Mukha ka namang matalino at masipag. Sigurado akong kapag nag-apply ka sa mas stable na trabaho, kahit hindi ka graduate ng college, may mga tatanggap sa'yo."

"Because it is my lifeline. Kapag naging sikat na artista na ako, doon lang ako magkakaroon ng pag-asang mabuhay pa."

Nagkita na kami eight years ago, pero kahit gaano sya kapareho sa babaeng nakilala ko noon, alam kong hindi na sya ang Natalie na nakilala ko. 

"Ayun sya!" sigaw nya habang nakaturo sa direksyon ko.

Sya na si Crystal. At kahit nasa harapan ko na naman sya masyado pa rin syang maningning para abutin ko pa ulit.

"Habulin mo na sya!" sigaw nya ulit habang tumatakbo papunta sa akin.

Kaya kahit pwede ko naman syang salubungin, tatalikod na lang ako at hahayaan syang lumagpas sa akin.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon