Crystal's P.O.V.
"Ernesto... Laura, huwag Laura... Laura," rinig kong bulong ni David habang natutulog. Pinagpapawisan s'ya at mukhang nahihirapan huminga.
"Ms pinabangungot yata si sir David," sabi ni Mimi na nakatingin sa amin sa pamamagitan ng rear-view mirror.
Binitawan ko ang cellphone ko at inilapit ang tenga ko sa bibig n'ya para madinig ang sinasabi n'ya.
"Hindi... hindi pwede... Laura hindi... hindi ka pwedeng sumama sa kanila, Laura..." bulong n'ya.
"Kanino s'ya hindi pwedeng sumama?" tanong ko sa kan'ya sa pag-asang sasagutin n'ya ako kahit na tulog pa rin s'ya.
"Laura..."
"Sige, ano 'yon? Sinong mga kasama n'ya --"
"Ms paano 'yan? Hindi natin alam kung saan nakatira si Sir David mukha namang hindi natin s'ya magigising."
"Sa bahay na lang muna siguro tayo," sagot ko sa tanong ni Mimi.
Pagkasakay n'ya sa van ko ay agad s'yang nakatulog, ni hindi ko na natanong kung saan ba s'ya nakatira. Ayos naman s'ya kanina matulog mukhang pagod pero hindi ganito. Napapanaginipan kaya n'ya ang buhay ni Leonardo?
"Is it your hobby to call people when even the sun is not awake and force them to meet up or go to your house or something?" bungad na tanong sa akin ni Jese pagkapasok n'ya sa bahay ko.
"Correction, 6:08 na nang tinawagan kita at malinaw na sumisikat na ang araw noong mga oras na 'yon. At sa tingin mo ba gusto kong nakikita 'yang pagmumukha at 'yang..." sabi ko saka tiningnan ang usual attire n'ya na suit. Muddy waters ang kulay ng buo n'yang suit except sa silver pattern na nasa harap ng jacket. Meron din pala s'yang suot na light brown scarf sa leeg n'ya at punong-puno ng gold thingy ang sapatos na suot n'ya.
"It's HIGH fashion," sabi n'ya nang mapansin ang mukha kong halata naman na hindi sang-ayon sa mga OA n'yang suot, "so, where is he?"
"Nasa guest room. Kagabi ko pa s'ya sinusubukang gisingin pero hindi s'ya magising-gising at parang hirap na hirap naman s'ya habang natutulog," paliwanag ko sa kan'ya.
"Maybe he's having a nightmare, that's all. Almost every human being experience it," sabi n'ya sa akin saka umupo sa isa sa mga upuan ko sa dining table at kumuha ng tubig sa pitcher na nasa lamesa saka 'yon ininom.
"Naisip ko na 'yon syempre. Pero paulit-ulit n'yang binabanggit ang pangalan ni Laura," sabi ko saka umupo sa harap n'ya.
"'You mean his seeing Leonardo's life?"
"Ewan, basta pangalan lang ni Laura ang nadidinig ko at... na huwag s'yang sumama sa kanila."
"Sino sila?"
"Ewan ko, ako ba 'yong nahihimbing ang tulog ngayon --"
"Si Leonardo at Ernesto," napalingon kami nang madinig s'yang magsalita. Naglalakad s'ya pababa ng hagdan, pinapalitan ko na sa driver ko ang damit n'ya para 'di s'ya magkasakit.
"See, I told you he's just dreaming. Baka sobrang napagod lang s'ya kahapon kaya hindi n'yo s'ya magising."
Kahit na hindi ko naman kasalanan, medyo naguilty ako nang maalala kung anong pinagdanan namin kahapon.
"Okay ka na?" tanong ko sa kan'ya matapos s'ya abutan ng baso ng tubig. Tumango lang s'ya't mukha na naman talaga s'yang walang sakit o anumang kakaibang nararamdaman kaya pakiramdam ko wala na naman akong dapat ikabahala.
"You saw something, right?" tanong sa kan'ya ni Jese. Tumango lang din ulit s'ya. "Do you still remember it o even just fragments of it?"
Umupo s'ya sa tabi ni Jese, "a-ano ba 'yong nakita ko?" naguguluhan n'yang tanong.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...