"Wala bang mas iinit pa rito?" tanong sa akin ni Natalie.
"Doon oh," sabi ko habang nakaturo sa palayan na may medyo may kalayuan mula rito.
"Ibig kong sabihin 'yong mas malilim, 'yong walang tirik na araw..." dinig kong bulong n'ya.
Lagpas alas diez na. Maaraw na nga rito pero hindi pa naman tirik ang araw. Mahangin-hangin pa nga, tamang-tama lang magtanim ng mga kamote.
"Kung nagrereklamo ka, mas mabuti pang bumalik ka na ngayon sa Maynila."
"Sinong nagsabing nagrereklamo ako? Gustong-gusto ko kaya rito... kahit na ang baho-baho at ang init-init," tanong n'ya saka mabilis na naghukay ng lupa at agad na ibinaon ang kamote.
"Hindi ganyan, ako na nga lang," sabi ko saka inayos ang tanim na ginawa ni Natalie.
"Ano nang gagawin ko? My nails!" sigaw n'ya ng makitang uka-uka na ang mga kuko n'ya at natanggal na rin ang pula n'yang nail polish.
Tumingin-tingin ako sa paligid, "umupo ka na lang doon at mag-antay," sabi ko habang nakaturo sa puno.
"Ugh... kawawa naman ang mga babies ko..." saka agad na pumunta sa lilim ng puno, "David, mag-aantay ako rito pero 'wag mong iisipin na sumusuko na ko... nagpapahinga lang ako, okay?" tanong n'ya habang naghahanap ng mauupuan doon.
"Bahala ka --" napahinto ako ng makitang nakatulog na agad s'ya. Nakaupo sa isang malaking bato at nakasandal ang ulo n'ya sa puno. Ilang segundo pa lang simula nang umupo s'ya roon pero mukhang nananaginip na s'ya sa himbing ng tulog n'ya.
Nilapitan ko s'ya at marahang pinunasan ang pawis n'ya sa noo at pisngi gamit ang puting towel na nasa bulsa ko. Bahagyang s'yang gumalaw kaya huminto ako pero hindi naman s'ya tuluyang nagising kaya pinunasan ko na lang ang natitira n'yang pawis saka bumalik ulit sa pagtatanim.
Sobrang aga siguro n'yang nagising para makarating dito. Mga lima o anim na oras din ang byahe mula sa Maynila. Nagluto pa s'ya ng kung ano-ano.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" tanong ko sa kan'ya habang mahimbing pa rin s'yang natutulog.
"Tapos ka na?" tanong n'ya sa akin ng magising s'ya sa saglit pagkaka-idlip.
"Oo," sabi ko saka naglakad na.
"Sandali saan ka pupunta?" tanong n'ya sa akin habang nakasunod sa akin.
"Tanghalian na, hindi ka pa ba nagugutom?"
"Hindi naman --" sabi n'ya saka biglang tumunog ang tyan n'ya, "bigla ka na lang kasi umalis kanina, nasayang tuloy 'yong mga niluto ko, hindi pa ko nakapag-almusal."
Bakit kasi sumunod pa s'ya rito, kulang na nga ang tulog n'ya hindi pa s'ya kumain.
"Ayaw mo?" tanong ko sa kan'ya dahil nakatitig lang s'ya sa mga pagkaing inihanda ni tito Pablo. Nagsisimula na kasi kaming kumain, pero nakatayo lang s'ya sa tabi ko.
Boodle fight style ang ginawang tanghalian ni tito, kadalasan kasi dahil mag-isa lang naman s'yang nakatira rito, inaalok n'ya ang ibang tao na rito na kumain sa bahay n'ya.
Sa labas kami kumakain ngayon. May mahabang lamesa na gawa sa bamboo ang pinaglalatagan ng mga dahon ng saging. Sa ibabaw nito ay nakahilera ang kanin, sa gilid at ibaba nito ay ang iba't ibang ulam tulad ng danggit, pusit, inihaw na isda at manok, pritong itlog, itlog na maalat, kamatis, tuyo talong, okra, sisig, at pritong baboy. May mga mangga at papaya naman sa tabi-tabi para sa dessert.
"Hindi kaya, alam mo bang ang tagal ko ng gustong makakain sa ganito?" sabi n'ya saka isa-isang tinikman ang mga ulam.
"Ipinamigay ko na ang champorado kanina, akala ko kasi tapos na kayong kumain at naisip kong sayang naman. Pero inihalo ko d'yan ang ibang ulam, 'yong pandesal at keso naman, nasa lamesa n'yo pa rin David," paliwanag ni tito sa amin.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...