Chapter 35

7 2 0
                                    

Bakit ba sa laging nauudlot ang mga pagkakataon kong masagot lahat ng katanungan ko?

Wala naman akong ginagawang masama pero itong puso ko ayaw tumigil sa pagtibok ng mabilis. Tama, wala naman talaga akong ginagawang masama dahil inaalam ko lang ang kung anong mga pangyayari na dapat ay matagal na n'yang sinabi. Buhay ko kaya 'to... sort of. Ah basta wala akong ginagawa masama kaya dapat kalma lang.

Pero bakit sa lahat pa ng makakikita sa akin ay 'yong mismong tao pa na ayaw kong makakita sa akin?

"Jese, ikaw pala," patay malisya kong sabi.

Tumutulo pa ang buhok n'ya, naligo ata s'ya at aba iba na ang suot n'yang pantaas ngayon. Nakasweater na s'ya na grey. Wala namang kakaiba maliban sa butas-butas ang sweater na 'yon at nagmumukhang see-through dahil sumisilip na ang mga abs n'ya sa tuwing kikidlat at sandaling magbibigay liwanag. Impressive body but nah, not interesting.

"What are doing so late at night?" sabi n'ya habang naglalakad papalapit sa akin. Sumasabay pa ang panay-panay na kidlat at kulog, pero mahihina lang naman. Mas nakagugulat na nagagawa pa rin n'yang magpanggap na nagmomodel sa harap ko.

Minsan talaga, nakawawala ng ganda ang presensya ng lalakeng 'to, buti na lang umaapaw ako sa kagandahan kaya wala pa ring effect sa akin.

"I'm doing... I'm..." nililinga ko ang paningin ko baka sakaling may makapagsalba pa sa akin, "ang ginagawa ko kasi ay... ako ay... nagbabasa!" sabi ko saka agad na pinakita ang kung anong libro na nahablot ko sa likuran ko.

"In the darkness?"

"Oo, bakit ba? Ang ganda nitong libro --"

"Are you okay? Why are you sweating?" Ano ba 'to, hambog na nga usesero pa.

Iniunat nya ang braso n'ya. Anong gagawin n'ya? Bakit inilalapit n'ya sa mukha ko 'yong kamay n'ya?

"Pake mo? Suspense kasi itong binabasa ko," paglalayo ko ng kamay n'ya sa mukha ko, "pero baka nga hindi ako okay, sige magpapahinga na --" Pabalik na sana ako sa kwarto pero umeksena pa 'tong hambog na 'to, nagkabanggaan tuloy kami at nabitawan ko ang libro. "Ayan tuloy!" agad kong pinagsisihan ang pagsigaw ko dahil nakita kong may nagising, umupo pa nga para lang tingnan kami ni Hambog. Mahina lang naman 'yong sigaw ko pero grabe ang mga taenga nito. "Anong tinitingin-tingin mo dyan?" mataray na tanong ko sa kan'ya at agad din s'yang bumalik sa pagkakahiga.

"Let me get it for you," habang patuloy ang pagtataray ko sa tsismosong lalake na 'to, patuloy naman sa pagsira ng gabi ko si Hambog.

"Ako na," sabi ko saka mabilisang yumuko at kinuha ang nakabuklat na libro sa sahig.

Tumalikod na rin agad ako baka masilip pa n'ya ang laman ng libro at malamang hindi naman fictional ito, The Flavor Bible ang title kaya malamang recipe book 'to.

Sakto namang kumidlat nang tumalikod ako, dahilan para lumiwanag ng saglit at dahil sa pwesto ko sa tapat ng maliit na bintana at anggulo ng pagkakahawak ko sa libro ang mga nakita ko ay hindi lang ang mga salitang nakaprint dito kundi pati ang larawang nakadikit sa pahina kung saan nakabuklat ang libro.

"Anak ng tokwa!" rinig kong sigaw ni Jese nang kumulog.

Hindi ko na nagawang magulat pa sa kulog dahil mas nakagugulat ang nakita ko sa pahina ng libro na hawak ko ngayon.

"Goodness! I'll also go to sleep," anunsyo ni Jese saka naglakad mula sa likuran ko. "Crystal?" tanong n'ya sa akin nang mapansing nakatayo pa rin ako sa pwesto ko at nakatitig lang sa pahina ng libro.

"Sabi mo, tinutukan ng baril ni Leonardo si Ernesto dati? Anong dahilan n'ya?" tanong ko sa kan'ya habang nakatitig pa rin sa larawang nakikita ko.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon