Chapter 10

40 13 0
                                    

"Siguro narealize mo na how interesting and important this movie is, kaya in-accept mo na ang offer," sabi nya habang umuupo sa office chair ni Dai.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Alam mo kung anong pinagkaiba nyo ni Laura? Si Laura nangyayare na ang lahat sa paligid nya, wala pa rin syang alam tungkol sa mga ito. Habang ikaw, hindi pa lahat nangyayare pero alam mo na ang susunod mangyayare," paliwanag nya habang pinapaikot ang kinauupuan nya.

"Masyado ka na atang na-attach sa character mo. But let me remind you, hindi ako si Laura."

"Wala akong sinabing ikaw sya. Yet it's great if you think of it that way. Mas mapapadali ang trabaho natin," sabi nya sabay kindat sa akin, "You wanna hear a secret?"

"Ayoko," sagot ko saka sana aalis na.

"His a family friend," napahinto ako ng marinig iyon at muling humarap sa kanya, "Everything I wrote for that movie would look fictious to anyone. Pero may isang karakter doon na sigurado akong totoong tao."

"Hindi naman bago 'yon. Hindi mo ba natutunan ang salitang 'inspiration' Mr. So-Great Mar--"

"But he's missing."

"Ano namang pake ko sa nawawala nyong 'family friend'?"

May inilabas s'yang picture at ipinakita sa akin. Pamilyar ang matandang lalake sa picture, nakita ko na ba s'ya? 'Yong matandang magnanakaw! "matalik na kaibigan nya sila Laura at Leonardo. Isa pa halos sabay silang lumaki ni Laura kaya malaki ang posibilidad na bumalik sya kapag naging ikaw talaga si Laura since he have Alzheimer's disease," parang nawala ang buong sigla nya nang sabihin nya iyon.

Sabihin ko ba na nakita ko na ang taong dahilan ng lahat ng 'to? Sabihin ko nang pumunta mismo ang taong 'yon sa akin?

"I get it. Nawawala ang 'family friend' n'yo at gusto mong tumulong na mahanap s'ya pero bakit mo uunahing gumawa ng pelikula kaysa i-report sa police?"

"Tingin mo ba hindi namin ginawa 'yon? Nawala sya at hinanap namin sya anim na beses na ngayong taon. Pero matigas talaga ang ulo nya, tumatakas din sya ilang araw lang matapos namin syang iuwi."

"Baka naman kasi kailangan nyo na syang dalhin sa hospital or sa home for the aged."

"Ayaw n'ya roon. Ang gusto n'ya ay normal na buhay. Kapag normal ang buhay mo, ikaw ang nagdedesisyon para sa sarili mo. Pero hindi namin s'ya pwedeng hayaan since tumatanda na nga sya at may sakit. Kaya imbes na hanapin namin s'ya ng paulit-ulit, gumawa na lang ako ng paraan para sya na mismo ang babalik."

"At paano ka naman nakakasigurong kapag ipinalabas ang pelikula mo ay babalik na sya?"

"Ilang linggo bago sya unang nawala, napanood nya ang isa sa mga una mong movie. After that paulit-ulit ka nyang tinatawag na Laura at kinukwento nya ulit sa akin ang mga kaibigan nya noong kabataan nya. Pero being you as Laura is not enough."

"Anong ibig mong sabihin? Kinukwestyon mo na naman ba ang galing ko?" tanong ko.

"No, what I mean is to make this plan work, kailangan natin si Leonardo."

Umupo ako at saglit na inintindi ang sinabi nya, "you mean, after months of pursuing me, wala pa kayong nahanap na gaganap sa karakter nya? Ilang linggo o araw na lang dapat magshoot na tayo, pero sinasabi mong kulang-kulang pa ang cast?! 

"Sya na lang naman ang kulang sa cast --"

"Pero major character si Leonardo. Leading man ko ang hindi nyo po nakaka-cast! Hindi ako makapaniwalang tinanggap ko ang pelikulang 'to," sabi ko saka tumayo at nagbalak na ulit lumabas.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon