Chapter 13

35 14 14
                                    

15 years ago

"Natalie, natalie gumising ka," rinig kong tawag sa akin ni tatay.

Ibinukas ko ang mga mata ko pero madilim pa rin at amoy natutupok na kahoy.

"Tay, anong nangyayare?" tanong ko kay tatay habang busy sya ibalot sa katawan ko ang basang tuwalya.

"Itakip mo 'to sa bibig mo at huwag na huwag kang bibitaw sa akin," sabi nya habang hawak ang kamay ko saka naglakad palabas.

Madilim pa rin pero... sigurado ako... nasusunog ang bahay namin. Sobrang init, pakiramdam ko anumang oras kami na ang lalamunin ng apoy.

"Saan tayo pupunta? Si nanay?" tanong ko habang pilit na nililingon ang kwarto nila, "nasaan si -- aaahh!" napasigaw ako nang maaninag na bumagsak ang ceiling ng kwarto nila.

"Tay, nasaan si nanay?" nagsisimula ng magluha ang mata ko, bukod sa parang piniprito ang mata ko sa init, hindi ko na rin alam kung anong nangyayare talaga at kung anong susunod na gagawin.

Binitawan ni tatay ang kamay ko pero hindi pa rin nya ako sinasagot, abala sya sa paghahanap ng kung ano.

"Tay, si nanay, kailangan nating syang balika--" naputol ang sinasabi ko nang makita kong binasag ni tatay ang salamin naming bintana.

Tinanggal nya ang mga bubog na nasa window sill.

"Nanay, nay --" hindi ko na kinaya at binalak kong balikan si nanay sa kwarto nila kung sakaling nandoon sya pero hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay hinigit na ako ni tatay pabalik.

Kahit 13 years old na ako ay nagawa pa rin akong buhatin ni tatay.

"Huwag kang malikot!" utos nya sa akin habang pilit na inilalabas ako sa bintana namin. Kahit na mumurahing apartment lang ang bahay namin, may kalakihan naman ang mga bintana rito. Kasya panga ang dalawang tao kung sabay silang lalabas mula rito.

Nakalabas na ako at nasa balcony ako ng apartment. Mula rito tanaw ko ang paglamon ng apoy sa iba pang mga kwartong pinapaupahan. May natatanaw akong kumakaway sa dulong bahagi ng apartment building nasa balcony rin sila, pero hindi ko sigurado kung mga tao ba 'yon o nililito lang ako ng mga usok at apoy na nakapalibot sa amin.

Nakita kong inilabas din ni tatay ang mga kumot namin saka sya lumabas at sinumulang pagtali-taliin ang mga iyon.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa dulo ng balcony.

"Ah!" hindi ko namalayang nahawakan ko ang bakal na hawakan. May mga tao sa baba. Wala akong makita kahit isang bumbero man lang. Nasaan sila?

"Natalie," hinila ako ni tatay papunta sa kanya at sinumulang itali sa bewang ko ang isang dulo ng pinagkabit-kabit na mga kumot, "makinig ka,  Kami ng nanay mo, huwag mo na kaming isipin. Gawin mo kung anong makapagpapasaya sa'yo, sundin mo ang mga pangarap mo --"

"Tay..."

"Artista? 'Di ba gusto mong mag-artista?  Sige mag-artista ka para kahit nasaan kami ng nanay mo makikita at mapapanood ka namin. Natalie --"

"Tay, ano bang sinasabi mo?" di ko na napigilan ang mga luha ko. Anong bang sinasabi nya, pwede naman kami sabay na umalis dito.

"Basta Natalie tandaan mo, mahal ka ni tatay, mahal ka namin ng nanay mo." Sinimulang punasan ni tatay ang mga luha ko at iniuusog ako papunta sa dulo ng balcony.

"Tay, ayaw kitang iwan. Hindi! Paano si nanay? Tay, anong gagawin n'yo? Huwag n'yo kong itulak!" pilit kong pinipigilan ang bawat paghakbang n'ya kahit na ang sarili kong luha ay 'di ko magawang pigilan, sumasakit at nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa mga usok.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon