Third Person's P.O.V.
"Wow... mukhang mas bagay sa kan'ya ang leading man," mapang-asar na sabi ni Kai kay David.
Nilingon ni David ang telebisyon na pinapanood ngayon ng halos lahat ng taong kumakain sa sisigan. Nagpalibre si Kai sa isang sisigan dahil 'big time' na raw ang kaibigan n'ya. Sa screen ng telebisyon kitang-kita ulit ni David ang ginawakahapon ng kanilang direktor sa kapareha n'yang artista . Isa sa mga kasamahan nila sa paggawa ng pelikula ang nanguha at nag-upload ng video. Trending ang video na 'yon simula pa kagabi.
"Selos ka, ano?" Halos magdikit ang mga ilong nila Kai at David paglingon n'ya rito nang magtanong.
"Bakit naman ako magseselos? Normal lang naman 'yong ginawa n'ya," kibit-balikat n'yang sagot saka ininom ang beer na nasa baso. Halos maubos n'ya ang laman n'yon. Mabuti na rin para hindi masayang at paalis na rin naman ang dalawa.
"Sa bagay, wala ka namang karapatang magselos," patang-tango pa n'yang bigkas habang sinisimot ang sisig na nasa sizzling plate.
"Magbanyo lang ako," paalam n'ya sa kaibigan saka tumayo at tinungo ang maliit na palikuran.
Habang wala ang kaibigan, inabala ni Kai ang sarili gamit ang kan'yang cellphone.
"Iho," tawag sa kan'ya ng matanda. Hindi n'ya ito napansin agad dahil sa binabasa n'ya pero mukha namang hindi ito matagal na nakatayo sa tabi n'ya.
"Ano po 'yon?" tanong n'ya. Bahagyang napanganga s'ya sa suot ng matanda. Nakapulang suit ang matanda na punong-puno ng sequins, ganun din ang disenyo ng pang-ibaba n'ya.
Naisip na lang n'ya na baka may pupuntahang cha-cha competition si lolo.
"Ayos! Mag-ootsenta na pero parang malakas pa ang mga buto," bulong sa sarili na papuri n'ya sa matandang nasa harap n'ya.
"Hindi ko makita itong binabasa ko, naiwan ko kasi ang salamin ko," sabi ng matanda saka binuklat ang dyaryo na hawak n'ya.
Naalala na ni Kai na may nakaupo sa lamesa na nasa harap nila kanina. Hindi n'ya nakita kung sino ang nadoon dahil natatakpan ang mukha at katawan nito ng malaki at nakabuklat na dyaryo. Nilingon n'ya ang pwestong 'yon at tama s'ya ang taong tahimik na nakaupo roon ay ang matandang kausap n'ya. Kaya pala hindi n'yon nililipat ang pahina dahil hindi n'ya mabasa ng maayos ang dyaryo.
"Akin na po, babasahin ko po," sabi n'ya saka tila nawala singkit n'yang mga mata n'ya sa pagngiti sa matanda.
Binasa n'ya ang parte na sinasabi ng matanda. Sa entertainment section iyon at nakatutuwang hindi crossword puzzle o sudoku ang pinaglilibangan ng matanda kundi isang balita tungkol sa artista. Balita tungkol sa namumuong tandem sa pagitan ng artistang si Crytal Garcia at sa direktor nito sa bagong n'ya pelikula na si Jese Martinez.
Natapos ang pagbasa ni Kai ng balita sa matanda.
"Ah... ganoon ba?" tanong ng matanda na tila pinoproseso pa ang mga narinig n'ya.
"Opo, may gusto pa po gayong ipabasa wala pa naman po ang kaibigan ko," alok n'ya.
"Hindi na, iho. Salamat sa lahat ng tulong mo sa akin at sa ibang tao," sagot nito saka pinisil ng bahagya ang balikat n'ya habang nakangiti.
Medyo nawirduhan si Kai sa sinabi at ginawa ng matanda pero mukha naman ito talagang mabait at masayahin kaya siguro kahit may mga kulubot at linya ng pagkatanda na s'ya sa mukha at kita pa rin ang pagiging gandang lalake nito.
Agad din naman umalis ang matanda matapos ilagay sa bag n'ya ang dyaryo na nakalapag na pala sa mesa nila Kai.
Pinagmasdan ni Kai ang pag-alis ng matanda hanggang sa mawala ito sa paningin n'ya.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomansaWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...