Chapter 25

23 6 18
                                    

Crystal's P.O.V.

Kung sabihin sa'yo ng isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay mo na hintayin mo s'ya, maghihintay ka ba? Kahit na walang kasiguraduhan na babalik pa s'ya? Tutuparin mo pa rin ba ang pangakong sinambit mo noon kahit na ilang dekada na ang nakalipas?

"Ms dito na po ako baba," paalam sa'kin ni Mimi. Binuksan n'ya ang pinto ng van. Natanaw ko ang paborito kong coffee shop, inutusan ko nga pala s'ya na bumili ng bagong milktea na binabenta ngayon doon. Trending kasi 'yon sa insta, gusto kong matry.

"Sige, bilisan mo," sabi ko sa kan'ya bago n'ya isara ang pinto.

Sa isang hotel ang location ng shooting namin ngayon, at dahil 1960s hanggang 1980s ang time setting ng pelikula bumyahe pa kami ng halos dalawang oras para lang sa hotel na 'to. Higit sa limang palapag ang main building ng hotel habang sampung palapag naman siguro ang dalawang parang tore na nasa gilid ng main building, maganda pa rin naman s'ya lalo na kung iisipin na minimal lang ang ginawang reconstruction dito at dahil doon napanatili ang retro at vintage vibes ng hotel kung kailan ito ginawa.

"Crystal," dinig kong tawag sa akin.

Lumingon ako at nakita ko si Stephen Ramos na katulad ko ay artista, s'ya nga pala ang gaganap sa karakter ni Ernesto. Apat na taon ang tanda n'ya sa akin pero gaya ng dati mas mukha pa rin akong matanda sa kan'ya, may pagkababy face kasi s'ya.

"Kararating mo lang?" tanong ko sa kan'ya. Isa s'ya sa mga gusto kong artista, hindi kami close kahit magkaibigan ay hindi pero mabait kasi s'ya sa akin kahit na lagi ko s'yang sinusugitan dati nang magkatrabaho kami sa isang teleserye.

"Oo, late na ba ko?" madaling araw na kasi ako nakatulog. Ang hambog na Jese na 'yon kasi, ugh... naalala ko na naman ang pagsisi n'ya sa akin tapos makikita ko pa s'ya ngayon.

"Hindi naman, hindi pa nga ata sila tapos magset-up. Ang ganda nga pala," turo n'ya sa rounded frame eyeglasses ko. Nginitian ko s'ya bilang pagpapasalamat. "Tagal na kita hinding nakita, muntik ko na tuloy makalimutan na malabo pala ang mata mo."

Tahimik lang kami na naglalakad, minsan ay bumabati s'ya at kumakaway sa mga production crew na nakakasalubong namin.

"Bestfriend," automatiko akong napalingon kay Stephen. "Ang galing, bestfriend mo na naman pala ako rito. Oo nga pala, nagkita na ba kayo ng director?"

"Bakit hindi pa ba kayo nagkikita?"

"Dalawang beses ko pa lang s'yang nakikita noong inalok n'ya sa akin ang karakter ni Ernesto saka noong first script reading natin, medyo nagtampo nga ako nang malaman na ilang buwan ka n'yang niligawan para sa role mo."

"Dahil ba roon o dahil second lead ka na naman, Mr always-the-bestfriend-but-never-been-the-boyfriend?" asar na tanong ko sa kan'ya. Sa tagal kasi n'ya sa pag-aartista kahit kailan hindi s'ya naging bida. Lagi lang s'yang option ng bidang babae.

"Ayos lang, effective kasi akong bestfriend on screen AT off screen. Bakit?" tanong n'ya sa akin nang bigla akong huminto sa paglalakad.

"Gusto mong maging close kayo ng director 'di ba?" Tumango s'ya. "S'ya 'yon," sabi ko saka lumingon ulit kay Jese na seryosong nakatingin din sa amin ngayon.

"Late na ata talaga tayo, hindi na good mood si direk next time ko na lang s'ya kilalanin," sabi n'ya habang pinapanood si Jese na maglakad papunta sa amin.

"H-hi direk," bati ni Stephen. Ngumiti naman si Jese kahit papaano.

"Maghanda ka na, ikaw ang unang kukuhanan." Nakita ko ang paglunok ni Stephen nang sabihin sa kan'ya 'yon ni Jese.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon