"Nasaan na ba tayo?" tanong ni Natalie habang hinanap namin ang daan pabalik.
Takbo na lang kasi kami ng takbo kanina kaya wala sa'ming dalawa ang makaalala sa dinaanan namin, isa pa mahina ako sa mga direksyon.
"Anong sabi ni Mimi?" tanong ko sa kan'ya. Tinatawagan n'ya ngayon ang assisstant n'ya para sana masundo kami.
Huminto s'ya sa paglalakad, "hindi ko s'ya nakausap."
"Wala bang signal dito?" tanong ko saka inilabas ang cellphone ko at sinuri ang signal, "meron naman."
"Pa-pahiram ng cellphone mo," pakiusap n'ya na tunog nag-uutos.
Ibinigay ko rin naman ang cellphone at agad s'yang nag-dial doon.
"Teka... wala ka na naman bang load?" Hindi n'ya ko sinasagot. "Hindi ba mayaman ka na? Bakit load lang hindi ka makabili? At ang nakapagtataka, wala kang load sa tuwing kailangan natin."
Inalis n'ya ang cellphone ko sa tapat ng tenga n'ya at nag-dial ulit, ibang number naman.
"Lahat ba ng artista, laging walang load? Hindi n'yo ba kailangan magtext o tumawag? O ikaw lang ang talagang laging gany--"
"'Wag ka ngang maingay," iritadong saway n'ya sa akin saka inalis ulit ang cellphone sa tapat ng tenga n'ya at tinawagan ulit ang naunang numero na tinawagan n'ya kanina. Mukhang hindi sumasagot ang mga tinatawagan n'ya kaya nag-iwan na lang s'ya ng text sa parehong tao na tinawagan. Halos pabato naman n'yang ibinalik ang cellphone ko sa akin matapos n'ya silang i-text.
Nagsimula na ulit s'yang maglakad, "Crystal --"
Huminto agad s'ya at humarap sa akin, "oo na wala akong load at 'wag ka ng magtanong kung anong sinabi nila dahil alam mo naman na hindi ko sila nakausap."
"Tatanungin ko lang sana kung gusto mong isakay kita sa likod ko..."
"Ano?" naguguluhan n'yang tanong.
"Ilang minuto na kasi tayong naglalakad baka pagod ka na at... 'yong takong mo kasi..." sabi ko sa nag-aalangan pang tinuro ang suot n'yang itim na sapin sa paa na may mataas na takong. Bakli na ang takong sa isang sapatos n'ya kaya kanina pa s'ya paika-ika na naglalakad.
Dahan-dahan n'yang tiningnan ang sapatos n'ya na animo'y hindi n'ya alam na kanina pa 'to nasira at takot makitang sira na nga talaga ang isa.
"Ayos lang ako, matibay kaya 'to," sabi n'ya saka inuga-uga pa ang paa n'ya para ipakitang hindi tuluyang nasira ang sapatos n'ya.
"Baka kasi matalisod ka o ano --"
"Ayos nga lang," ulit n'ya saka ulit nagsimulang maglakad ng paika-ika.
Muli kaming naglakad-lakad, nagbakasakali akong kung may free wifi sa area, pero wala naman. Nasa likod n'ya ako habang may dalawang metro ang layo n'ya sa akin.
Natapilok na naman s'ya, "Crys--" tawag ko sana sa kan'ya pero parang wala lang naman sa kan'ya ang hirap n'ya sa paglalakad ngayon na akala mo ay ganoon na talaga s'ya maglakad.
"Aray!" bulaslas n'ya nang matapilok s'ya at bumagsak s'ya sa sahig, "aray! aray..."
Patakbo ko s'yang pinuntahan, "ayos ka lang?" tanong ko bago pa man din ako tuluyang makalapit sa kan'ya.
Dali-dali s'yang tumayo nang makita ako akong palapit sa kan'ya, "ayos lang ako," sabi n'ya saka naglakad na ulit.
Naka ilang sabi na ba s'ya ng 'ayos lang ako'.
"Crystal, sandali!" tawag ko sa kan'ya saka sinenyasan s'ya na lumapit sa akin.
Nagtaka s'ya pero sinunod din n'ya ako.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...