Chapter 44

6 2 0
                                    

Isa lang naman ang gusto ko, ang hindi mawala sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko lalo na ang career kong ito. Pero bakit sa lahat pa ng paraan na makapagsasalba sa akin ay itong puro kasinungalingan na director na ito at ng pelikula n'ya?

Tumunog ang cellphone na hawak ko. 

Direk Jese Martin ang pangalan na nakaflash sa screen.

Sinagot ko ang tawag, "Mimi, pwede bang makausap si Crystal?" tanong n'ya sa pag-aakalang si Mimi na may-ari nitong cellphone ang sumagot ng tawag.

"Bakit, may kapal ka pa ng mukha para kausapin ako?"

"Crystal, I just want to explain --"

"Explain? Hindi ba nagpaliwanag ka na kanina? Ano, may bago ka na namang naisip na kasinungalingan?"

Hindi s'ya umimik mula sa kabilang linya.

"Wala na akong pakialam sa mga paliwanag at dahilan mo, tutal wala na rin naman akong tiwala sa mga sasabihin mo," sabi ko saka huminga ng malalim at tila kasama kong naexhale ang pride ko, "pero sige, hindi na ko aalis sa pelikulang ito. Gaganapan ko pa rin ang karakter  ni Laura."

Tinig ko ang paghinga ng maluwag ni Hambog at halos hindi s'ya makapagsalita dahil sa pagkagulat at saya, "thank, thank you --"

"Pero may gusto muna akong malaman," putol ko sa kasiyahan n'ya.

"Sure, what is it?" sigurado akong abot langit pa rin ang ngiti ng Hambog na ito nang tanungin n'ya ako.

"Sino ba talaga traydor sa kanila? Kasi kung paiikutin at gagamitin mo lang ako, mas mabuti ng alam ko kung anong kahihinatnan ng pelikulang 'to."

"Even though I want to answer that, I can't. There is no significant proof to prove that one of them is a traitor --"

"Si Ernesto ba? 'Yong karakter ko ba? Si Laura? O si --"

"Look, if it is Leonardo, matatawag mo bang s'yang taydor kung hinayaan mo s'yang pagtaksilan kayo?"

Nahuli ako ni Hambog sa malabugtong n'yang tanong. Ano na naman ba itong sinasabi n'ya?

"They both loved each other to the extent that they are willing to die for the sake of others."



"Titigil ka na sa pag-aartista?!" wika ni Leonardo saka napatigil sa pagsusuot ng apron.

"Hindi naman sa titigil, hindi ko lang gaganapan 'yong bida sa Pilipinas Circa... wala na rin sa buong production. Pero aarte naman ako ulit sa susunod na production... minor role na lang siguro ulit," paliwanag ni Laura habang pinaiikot-ikot ang kan'yang upuan na barstool.

"Pero hindi ba pangarap mo 'yon? Bakit hindi ka na raw nila isasali?" tanong n'ya habang hirap na isuot ang apron dahil sa sakit ng balikat n'ya.

"Hindi naman nila ako tinaggal, ako mismo ang nagpasyang magpahinga muna sa pag-arte... hindi kasi gusto ni daddy 'yong tema ng play --"

"Kahit na, akala ko ba okay na kayo ng daddy mo sa pag-aartista mo basta ikaw magtatakeover ng pharmaceutical company n'yo --"

"Hep, bago pa kayo maglq, Laura dalhin mo na muna kay Dorothy itong makulit mong boyfriend," awat ni Ernesto sa kanila na kapapasok lang ng kusina.

"Para saan? Pwede naman na akong magluto ulit, magaling na ako --" hindi na nagawang ipakita ni Leonarado ang sugat n'ya nang may pumatak na dugo sa counter.

"Hindi pa rin magaling 'yan?" gulat na tanong ni Laura, "akala ko ba maliit na hiwa lang 'yan."

"Wala, wala 'to."

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon