Chapter 43

5 0 0
                                    

Kita ang ningning sa mga mata ni Laura habang nakapako iyon sa black and white poster ng pelikulang City After Dark. Ang pelikulang naglalarawan ng mga pangit na aspeto ng buhay sa bansa.

Base sa pananamit at itsura ng dalaga, hindi ito ang tipo ng pelikulang masasabi ng mga tao na gusto n'yang panoorin. Hindi n'ya alinatana ang mabigat na pagkakacensor ng pelikula. Kahit gaano s'ya kaganda at kaningning sa mga mata ng iba, mas gusto n'yang maging mulat sa nangyayare sa paligid n'ya. Ang mga pangyayareng pilit na tinatago sa kan'ya ng kan'yang ama sa takot na mabago ng mga ito ang makulay na pananaw n'ya sa buhay.

"Gusto mong manood? Regalo ko na 'yan sa'yo, tutal birthday mo na next month," si Ernseto na nakatayo sa tabi n'ya.

Bumuntong-hininga ang dalaga, "kung yaman lang ang basehan, kahit isang libong ticket pa ang bilhin ko. Pero hindi 'yan ang tipo ng karangyaan na hindi ko magagawang bayaran," nilingon niya ang kaibigan n'ya, "hindi ko pa rin alam pero dalawang beses nang may pulis na nagpunta sa bahay. Kung sarili ko lang ang iisipin ko lalong iinit sa mata ng mga Marcos si Papa."

"Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong sa susunod mong buhay mararanasan mo na ang ganyan klaseng karangyaan... malay mo maging bida ka pa sa ganyang klaseng pelikula."

Mula sa hand bag ay inilabas ni Laura ang script ng theater play na una n'yang pagbitahan, "gusto ko mang baguhin ang bansang 'to sa ganyang paraan, siguro makukuntento na muna ako sa ganitong mga project," sabi n'ya saka pumasok sa sasakyang huminto para sunduin sila.



Agad na lumapad ang ngiti ng dalaga nang makita ang mga bagong lagay na astilbe sa mga plorera ng kwartong nakareserba para lamang sa kan'ya.

Matapos magpalit sa mas komportableng damit ay nagsimulang s'yang mag-ensayo. Hindi s'ya pwedeng pumalpak sa harap ng maraming tao. 

Inihanda n'ya ang script at walkman na gagamitin n'ya para irecord ang boses n'ya at hindi makalimutan ang tama at magandang paraan ng pagsabi ng mga linya.

Sa parehas na palapag ay nagkukukwentuhan ang dalawang lalake.

"Itong play na 'to, siguradong si Laura na ang magiging bida," kwento ni Ernersto habang nilalaro ang kumpol ng mga susi na hawak n'ya, "baka nag-eensayo na s'ya ngayon."

Huminto sa paglalakad si Leonardo kasunod ng unti-unting pagningning ng mga mata n'ya.

"Silipin natin," suhestyon n'ya nang may malapad na ngiti sa labi.

"Hindi pwede," pagtutol ng matalik na kaibigan ni Laura.

"Madaya," bigkas n'ya saka hinablot ang kumpol ng mga susi at patakbong tinungo ang kwartong katabi ng sa dalaga.

Mabilis n'yang hinanap ang susi na angkop sa kwartong nasa harapan n'ya. 

Agad s'yang nakapasok at kinantado iyon mula sa loob para hindi s'ya mapigilan ni Ernesto.

Dahan-dahan n'yang binuksan ang pinto patungo sa balcony, dinig n'ya ang mahinang pagbigkas ni Laura ng linya n'ya.

Nang mabuksan n'ya ito ay tumambad sa kan'ya ang dalaga na nakaupo sa balkonahe din ng kwarto n'ya.

Sa unang mga segundo ay hindi pansin ni Laura ang panonood sa kan'ya mula sa kabilang balkonahe.

"Ang ganda n'ya talaga --" sa pagbigkas n'yon ni Leonardo ay napalingon si Laura sa gawi n'ya dahilan para mahuli s'ya nito.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon