Sabi nila lahat ng pangyayare ay may dahilan, na hindi nangyare ang mga bagay-bagay dahil aksidente lang kundi itinadhana. Hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi pero sa pagkakataong ito parang gustong maniwala.
"Jese, Jese!" tawag ko sa kan'ya habang patuloy s'yang hinahabol, "hoy direk!" sasabog na ata ang lalamunan ko hindi pa rin n'ya ko lilingunin.
"What is it?" tanong n'ya nang sa wakas ay huminto na rin s'ya sa pagtakbo. Hinihingal na rin s'ya pero patuloy pa rin ang ulo n'ya sa paglinga.
"Lolo mo talaga s'ya? 'Yong matandang hinahabol natin? Si lolo Ernesto, lolo mo s'ya?"
Tumango pa s'ya habang init na init na tinanggal ang panyong nakapulupot sa leeg n'ya.
"Sigurado ka ba?"
"Bakit ba ang kulit mo? Fine, he's not my relative by blood but I still treat him as my grandfather," paliwanag n'ya habang pinangpupunas ang scarf na hinubad n'ya sa noo at leeg n'yang puno ng pawis. Akala ko pa naman mamahalin 'yon, "s'ya ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to."
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi n'ya ko sinagot, parang pinagsisihan n'ya ang huli n'yang sinabi, "let's just go back to the car," sabi n'ya saka naglakad na pabalik.
Pasakay na kami ulit sa mamahalin n'yang sasakyan. Mas nahiya ako ngayon dahil medyo basa 'yong likod ko ng pawis, baka mapasandal ako at mag-amoy pawis itong ginto n'yang sasakyan.
"Akala ko magkahawig lang sila," bulong ko matapos akong maingat na umupo sa passenger's seat na hindi naman nakakagulat na narinig ni Jese.
"Sinong sila?" tanong n'ya habang isinusuot ang seat belt.
"'Yong lolo mo nakita ko na s'ya dati," natatawa ko pang sabi.
"Really?" tanong n'ya. Mukhang hindi s'ya naniniwala.
"Mga ilang linggo na ang nakakaraan, nakita ko ang lolo mo na bumibili sa convenience store. Kulang ang pera n'ya kaya palihim kong binayaran ang kulang. Pero hindi naman pala para sa kan'ya 'yon kundi sa mga bata sa lansangan. Naawa ako sa kan'ya kasi wala ng natira sa kan'ya't wala na rin s'yang pera. Kaya inalok ko s'yang magkape at hinatid ko s'ya sa bahay n'ya. Pero --" hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko ang koneksyon ng mga pangyayare.
"Pero what?"
"Pero hindi pala n'ya bahay 'yon kundi bahay ng leading lady ng pelikula mo, si Crystal."
"Nagkita na sila?"
"Anong nagkita? Pinagkamalan pa kaming magnanakaw dahil doon. Medyo nalungkot nga ako noong bigla na lang nawala si Crystal saka si lolo pagkatapos kong bumili ng pagkain. Mabuti na lang lolo mo pala s'ya, pwede ko ba s'yang makausap ulit? Ang gaan kasi ng loob ko sa kan'ya --" nagulat ako nang bigla na lang pinaandar ni Jese ang sasakyan. Nag u-turn s'ya saka mabilis itong pinaandar pabalik sa kung saan kami nanggaling.
"Ding dong! Ding dong! Ding dong! Ding dong!" sunod-sunod na pindot ni Jese sa doorbell ni Natalie.
"Baka naman lumubog na 'yang doorbell, kawawa naman..." puna ko sa kan'ya pero patuloy pa rin s'ya sa pagpindot.
"Ano ba 'yan?" iritadong sigaw ni Natalie pagbukas n'ya ng front door, "Jese? David? Akala ko umalis na kayo?" naguguluhang tanong n'ya.
"May pag-uusapan pa tayo," walang emosyong sabi ni Jese.
Pinapasok ulit kami ni Natalie sa bahay n'ya. Pero nagdirediretso s'ya sa pag-akyat sa 2nd floor.
"You've met him?" tanong ni Jese. Hindi s'ya pinapansin ni Natalie at patuloy lang sa paglalakad sa hagdan, "you've met Ernesto, in this house?" napahinto si Natalie at dahan-dahang lumingon sa amin.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...