Chapter 46

5 2 0
                                    

"Talaga bang makikita ko rito si Laura?" 'yan ang paulit-ulit na linyang nadidinig ko mula kay Tanda o kung sino man s'ya.

Binababa ko sila nang matapos akong magshower dahil nakakahiya naman sa kanila kung haharapin ko sila ng amoy pawis ako.

"Hindi sa ganoon, lolo. Pero --"

"Laura," wika ni Tanda nang makita akong pababa ng hagdanan.

Hindi ko mapigilang masuklam sa tuwing naalala ko na pinaglalaruan lang pala ako ng matandang 'to, pati si David dinadamay pa nila. Kung ano-ano na naman siguro ang sinabi sa kan'ya ni Hmabog para magamit s'ya.

"Crystal ho ang pangalan ko at lalong hindi ako si Laura," kontra ko sa kan'ya nang makarating ako sa harapan nila.

"Pasensya ka na, Crystal. Nakita ko na lang kasi si lolo na pagala-gala malapit sa apartment ko, baka naglayas na naman s'ya. Ihahatid ko s'ya sana sa kanila kaso hindi ko naman macontact si direk. Gustong-gusto ka raw n'ya makita kaya naisip kong dito na lang s'ya dalhin, saka para makamusta rin kita kasi ilang linggo kang wala sa taping--"

"Una, okay lang ako. Kung ano man 'yong dahilan ko kung bakit hindi ako pumupunta sa taping, malalaman mo rin 'yon in a few days. Pangalawa at uulitin ko, hindi ako si Laura kaya hindi ako ang gustong makita ng matandang 'yan. Pangatlo, hindi ko s'ya gustong makita," malinaw at madiin ang mga salitang binitawan ko pero unti-unti ko 'yong pinagsisihan sa bawat segundong lumilipas.

Bakit pa kasi nandito rin si David? Hindi tuloy ako makapagsalita nang maayos sa matandang 'to.

"Susubukan ko na lang ulit tawagan si direk Jese," paalam n'ya saka inilabas ang cellphone n'ya at nagdial doon.

Naiwan kami ni Tanda nang may saguting tawag si David. Wiling-wiling nakatingin sa akin si Tanda na akala mo ako si Mickey Mouse at isa s'yang batang ngayon lang nakapunta ng Disneyland.

"Juice po," alok ni Mimi ng pineapple juice kay Tanda habang inilapag naman n'ya ang isa sa mesa dahil abala pa rin si David sa taong kausap n'ya.

Ilang minuto na silang magkausap at asiwang-asiwa na ako sa matandang nasa harapan ko. Sa pagkainip at inis ko tinungo ko na si David na kausap si Hambog sa kabilang linya. Agad kong kinuha sa kan'ya ang cellphone n'yang binitiwan din naman n'ya agad.

"Kung ako sa'yo kukunin ko na ang matandang --" napahinto ako sa pagsasalita nang may madinig na pamilyar na boses ng babae sa kabilang linya.

Tiningnan ko ang pangalang nakaflash sa screen, Rachel.

Tinapat kong muli sa tenga ko ang cellphone, "Rachel Chavez?" salubong ang mga kilay kong tanong.

"Ako nga, bakit nasa'yo ang cellphone ni David? Pwedeng pakibalik, may mahalaga kasi kaming pinag-uusapan," may ng inis sa tono n'ya pero nanatili pa rin s'yang magalang, classic Rachel.

Iniabot ko kay David ang cellphone n'ya pero nang kukunin na n'ya ito ay pinindot ko ang end call button na ikinagulat n'ya.

"Akala ko ba tatawagan mo si Jese, bakit babae ang kausap mo?" nakataas ang isa kong kilay na tanong sa kan'ya.

"May hinihingi lang s'ya sa aking pabor," paliwanag n'ya.

"Pabor? Bakit kailan pa kayo naging close? Fan ka ba n'ya? Secret lover? Hindi naman si Rachel ang tipo ng tao na ipriprioritize ang relationship. The last time she did that, college pa kami noon, huwag mong sabihing ikaw 'yong ex n'yang after years of relationship ay iniwan n'ya rin para makafocus sa pag-aartista. Ano, nagkabalikan na ba kayo?" sunod-sunod ang mga tanong na binitawan ko. 

Pero nagawa ko pa rin matawa dahil alam ko namang agad n'yang kokontrahin ang mga sinabi ko, imposible naman kasi ang mga sinabi ko. 

Pero bakit ko ba 'yon nasabi?

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon