Chapter 30

17 4 0
                                    

Third Person P.O.V.

Mula sa maliit na flat screen tv ay pinapanood ni Rachel ang bago n'yang patalastas. Patalastas iyon ng isang pizza chain restaurant. Makikita sa screen ng telebisyon si Rachel na nakikipagtawanan sa mga taong kasama n'ya sa table at nang dumating ang isang buong pizza pie ay natuon roon ang atensyon nilang lahat. Sumunod na ipinakita ang pagkagat ni Rachel ng slice ng pizza, nginuya nya iyon habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

Bago pa matapos ang patalastas ay pinatay na ang telebisyon, si JP Ortiga na talent manager ni Rachel ang nagpatay ng telebisyon.

Pabatong nilagay ni JP ang remote sa lamesita, "paano ka makababalik kung simpleng commercial lang hindi mo pa magawa ng tama?" 

"Wala namang mali sa ginawa ko, gusto ng marketing head ang commercial na 'yan," sagot sa kan'ya ng babaeng may singkit na mata, maliit ngunit matangos na ilong, labing hugis maliit na puso, at porcelanang kutis. Kulot-kulot ang buhok nito na lumalagpas lang sa balikat n'ya.

"Alam mo ba ang sinasabi ng mga tao?" 

"Sabi mo hindi naman importante kung ano ang mga sinasabi nila. Ang mahalaga ay pag-usapan ako ng mga tao at magkaroon ako ng mga project regularly."

"Noon 'yon, pero ngayon sobrang importante ng mga sasabihin nila. Iyon ang pagbabasehan ng mga director, writer, at producer kung kukunin ka nila ulit. Tandaan mo, nag-uumpisa ka pa lang bumalik."

"May comeback teleserye naman na ako," sabi n'ya saka pa itinaas ang script na hawak n'ya.

Galing pa ng taping si Rachel para sa isa pang commercial pero agad s'yang dumiretso rito imbes na magpalit na muna ng damit. Nakapantulog pa s'ya dahil 'yon ang suot n'ya sa huling eksena na kinunan nila kanina lang.

Kinusot ni JP ang kaniyang mukha, "binabalak na ni Marvin na hindi ituloy ang tambalan n'yo," halatang nagpipigil ng galit si JP.

"Hindi pwede 'yon, pumirma na s'ya ng kontrata.  Isa pa magsisimula na kaming magshooting next month," natatawa pa n'yang sabi.

"Mayaman si Marvin, kahit kasuhan pa s'ya ng network handa s'yang magbayad ng termination fee. Isa pa, nakausap ko kanina ang director at mga producer ng Pangakong Iibigin Ka at wala silang balak na ituloy ang teleserye kung wala si Marvin."

"Ganoon na lang 'yon? Iiwan na lang nila ako dahil nagback out na ang Marvin na 'yon? Isang taon pa lang sa industriyang 'to ang lalakeng 'yan, akala naman nila napakagaling n'ya."

"Oo nga, baguhan at hindi kagalingan ang batang 'yon pero s'ya ang kinababaliwan ng mga tao ngayon."

"Paano na pala 'yan? 'Yong pelikula ko para sa susunod na taon, paano na 'yon? Ano, ayaw na rin nila sa akin dahil hindi na ko gustong makatambal ng Marvin na 'yon?" mabilis at halos mautal-utal pang sabi ni Rachel.

Dalawang pagtango ang sinagot sa kan'ya ni JP.

Nakakunot ang noo at inis na sinuklay ni Rachel ang kaniyang buhok.

"Alam mo ba kung bakit tinanggap kita ulit sa agency ko?" tanong sa kan'ya ni JP.

Kahit na hindi rin gusto ng manager na si JP ang mga nangyayare, ay mas pinili n'yang huwag sabayan ang kaniyang alaga sa pag-init ng ulo nito.

Nakakunot noo pa rin si Rachel nang tumingin sa kan'ya, walang bahid ng gana sa pagsagot na makikita sa mukha n'ya. Lalo lang s'yang nag-init dahil pinaalala sa kan'ya ng taong ito na muntikan na s'yang kalimutan ng mga manonood at natawag na laos.

"Rachel?" tanong sa kan'ya ulit nang hindi s'ya sumagot.

"Ano pa bang dahilan? Syempre dahil deserve ko 'yon, I'm worth managing for," sabi n'ya na parang si JP pa ang may utang na loob sa kan'ya.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon