Nagdaraanan ang mga sasakyan sa labas ng hotel, may dalawa ring nakaparadang dilaw na taxi, naghihintay ng lalabas na pasahero mula roon.
"Taxi!" sigaw ng isang babae na kalalabas lang ng hotel. May kasama s'yang lalaki na may dalang dalawang malalaking bag. Kinuha ng manong na nagpapaypay kanina ang mga bagahe nila at pinasakay ang mga pasahero n'ya.
Kahit malayo sa airport ang Felix Culpa puro yellow taxi ang pumaparito at pumaparoon sa kalye. Mas sikat at mas marami kasi ang yellow taxi noon kaysa ngayon na sa airport na lang sila makikita.
Sa gilid ng hotel ay urong-sulong sa pagpasok ang isang binata. Napapalingon na sa kan'ya ang dalawang babaeng nag-uusap sa likuran n'ya dahil kanina pa ito nandoon at hindi pa rin pumapasok sa loob o umaalis.
Nagpasya s'yang pumasok sa Felix Culpa ang binata nang may babae't lalaking nakabusiness attire ang pumasok doon.
Nagpakilala s'ya sa front desk assistant bilang Leonardo Dixon at hinanap ang taong nagmamay-ari ng business card na hawak n'ya. As if on cue ay nagpakita ang taong 'yon, si Ernesto.
Sumunod s'ya kay Ernesto nang tumungo ito sa opisina. Palinga-linga pumasok si Leonardo, napansin n'yang may mga lamesa at kagamitang pang-opisana pero walang mga empleyado ng oras na 'yon.
Nakita n'ya ang reflection n'ya sa salaming cabinet, may mga galos at pasa s'ya sa mukha, halatang pilit ang pagkakaayos ng buhok n'yang pang-high school graduation ang datingan, hindi pa gaanong nahuhubog ang katawan n'ya at sobrang bata n'yang tingnan.
"Tawagin mo kong Ernesto Martinez," napalingon s'ya nang magsalita si Ernesto. Binata pa rito si Ernesto, sobrang kapal ng malapugad n'yang buhok. At kahit pa 20 years old pa lang ito ay maganda na ang hubog ng katawan, matangkad din ito. Mabuti na lang at maamo ang kan'yang mukha, at makikislap at matitingkad ang mga suotan n'ya na tulald ni Kuya Germs kung kaya't hindi s'ya nagmumukhang mas matanda sa edad n'ya. "Kakausapin ko si Dorothy, kailangan mo ng trabaho, hindi ba?"
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Leonardo pero tumango rin ito nang muli s'yang tanungin ni Ernesto.
"Magtabaho ka muna dito habang hindi ka pa nakahahanap ng matutuluyan at mas maayos na trabaho."
Tumango-tango lang si Leonardo habang nakapako sa sahig ang pangin n'ya. Dahan-dahan namang hinawakan ni Ernesto ang balikat n'ya.
"Mukhang marami kang pinagdaanan bago ka nakarating dito pero maswerte ka at may anghel na nagturo sa'yo ng daan patungong Felix Culpa," napalingon naman sa kan'ya si Leonardo, "kinalulungkot ko nga pala ang nangyari," huminto si Ernesto upang hindi s'ya makain ng lungkot sa pag-alala sa mga ginawa ng ama ni Leonardo para sa bayan, "sa tatay mo... sa mga magulang mo."
Sapat nang ebidensya ang pamamaga ng mga mata ni Leonardo para masabing hindi n'ya rin mapigilan ang lungkot na nangingibabaw sa kan'ya. Naudlot naman ang lungkot na 'yon nang may madinig silang boses mula sa labas.
"Kuya Ernesto, nan'dyan ka ba?" kasunod ng boses na 'yon ay ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Laura, labing tatlong taon pa lang s'ya at laging black or white lang ang mga kulay na sinusuot n'ya. Gayunpaman, ay angkin na n'ya ang nakabibighaning ganda na kayang tumalo sa mga mas matandang dalaga sa kan'ya.
Si Leonardo agad ang nakita nito nang buksan n'ya ang pinto at hindi naman napawi ang malapad n'yang ngiti nang magtama ang mga mata nila.
Bagama't hindi pa tuluyang naghihilom ang mga sugat at pasa ni Leonardo ay natutuwa si Laura na makita muli ang binata sa mas maayos na kalagayan.
BINABASA MO ANG
Astilbes at Laura's Doorstep
RomanceWhat secrets of their past lives will be revealed when a well-known actress, former culinary student, and a writer-director who can't complete his screenplay meet and decide to make a film? Crystal, a well-known actress who is admired for her beauty...