Chapter 33

6 2 0
                                    

Crystal's P.O.V.

Walang malaking bato o dyamante ang singsing na ito pero ang elegante n'ya pa rin. 

Habang nasa harap ako ng isang whole body mirror itinapat ko sa leeg ang palawit ng kwintas, hinubad ko na kasi ito at tapos naman na ang taping at naglilinis at check na lang ng mga gamit ang mga crew . 

"In fairness, bagay nga sa akin," sabi ko saka tinanggal ang pinagpapalawitan ng singsing para mas makita ito ng mabuti, "saan kaya nabili 'to? Ang ganda naman --"

Isusukat ko sana ang singsing sa palasinsingan ko pero dumulas ito sa kamay ko nang may makatabig sa akin. Gumulong ito sa sahig na agad ko namang hinabol. Iniyukod ko ang aking katawan para mas makita ang singsing, halos gumapang na ako. Dahil sa mga taong salungat sa dinaraan ko at mga nagmamadali na nasa likuran ko, hindi ko ito nahabol at nawala na lang ang singsing sa paningin ko.

"Nasaan na 'yon?" tanong ko sa sarili habang iginagala ang mga mata ko sa sahig.

Iniyukod ko pa muli ang katawan ko at tinupi ang mga binti para makita ang mga kasingitsingitan ng mga pader at malalaking gamit na halos magkakadikit.

 "'Yong singsing!" Agad kong inayos ang postura ko nang madinig ang pahagay na 'yon.

Nakataas ang kanang kamay ng isa sa mga production crew, nakaipit sa hinlalaki at hintuturo n'ya ang maliit na alahas, kumikislap pa ito dahil natatamaan ng sinag ng araw na nagmumula sa maliit na salaming bintana na nasa itaas na bahagi ng pader.

Naglapitan ang mga crew sa kaniya ganoon din si Jese.

Inusisa iyon ng isa sa mga props man, "ito nga 'yong singsing!" masayang balita n'ya sa amin.

Dismayado kong iniabot sa kanila ang lawitan ng singsing. Agad nila iyong pinalawit doon at ibinalik sa pula nitong kahon na may nakalatag na tila itim na carpet sa loob nito.

"Crystal," tawag sa akin ni Jese. Hindi ko namalayan na nakatulala lamang ako sa dalawang bilog ng singsing na ngayon ay nakaselyado na sa loob ng kahon. "David's ring," sabi n'ya habang nakatanghod ang kaniyang kamay.

Nilapat ko ang kamay ko sa parte ng katawan ko na pinagpapahingahan ng singsing kanina lamang. Nagtagpo ang mga mata namin ni David na nasa gitna ng mga kumpon ng tao. Humingi ako ng tawad sa isipan ko. Sana ay nakita n'ya sa mukha ko ang sinsiredad. Sa ganitong sitwasyon ko kailangan ang galing ko sa pag-arte kahit na totoo ang panghihinayang ko sa pagkawala ng singsing ng nanay n'ya.

"Hindi naman mahal 'yon 'di ba?" 

Nagbago ang ekspresyon ng mga taong kanina lamang ay nagdidiwang sa pagkahanap ng mamahaling singsing, napalitan iyon ng pagkalito, dismaya, at lungkot.



"Dear, baka naman bumalik naman na sa may-ari ang singsing na 'yon. Tara na, umuwi na tayo," reklamo ni Jigs. Tagaktak ang mga pawis n'ya at pwede ng pigain ang hawaiian shirt n'ya lalo na sa parteng kili-kili, kitang-kita ang pagsakop ng pawis sa parteng iyon.

Inabot na kami ng gabi rito at iilang crew na lang ang natira para maghanap sa singsing na kanina ay pamalit lamang ngunit ngayon ay nawawala na rin.

"Don Jigs! Huwag ka namang magbiro ng ganyan, takot ako sa multo," sita sa kaniya ni Mimi na may kasama pang hampas.

"Paano mo nalaman na patay na ang may-ari n'yon?"

"Nag-imbestiga ako, patay na pala ang nanay ni sir David..." malungkot n'yang pahayag kasunod ng pag-ayos n'ya sa pwesto ng kaniyang makapal na salamin.

Nilingon ko si David, medyo malayo s'ya sa amin. Nakasunod sa kan'ya ang dalawang babaeng kasama namin sa production. Abala s'ya sa paghahanap habang kulang na lang ay sumabog sa pagkakakilig ang dalawang higad na kasama n'ya.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon