Chapter 27

18 8 0
                                    

"Ano ba?" bulaslas ko nang hindi na matiis ang sunod-sunod na pagnginig ng cellphone ko sa bulsa.

Tumingin sa akin si David. Pinatay ko na lang ang cellphone ko, bahala na kung sino man s'ya baka nga si Dai lang 'yon. Tinawagan siguro s'ya ni Mimi kanina noong 'nawawala' ako.

"Ano bang ginagawa ng mga yan?" dinig kong sigaw ng isa sa mga hotel staff, iba ang uniform n'ya kumpira sa karamihan, manager siguro s'ya.

"Hindi po rin namin maintindihan pero bigla na lang po silang dumating, nagpupumilit po silang pumasok," paliwanag ng isa sa mga staff na lumapit sa kan'ya.

"Siguraduhin n'yong huwag makakapasok ang mga 'yan, asikasuhin n'yong mabuti ang VIP guests natin para hindi sila magreklamo. At 'yong shooting tapos na ba?"

Awtomatiko kong tinakpan ang mukha ko at nagsimula na ulit maglakad.

"Hindi pa po, pero umakyat na po muna sila sa 4th floor."

Lumingon ulit ako at nakita kong nakatayo lang si David at nakatingin sa dalawang hotel staff na nag-uusap.

"David," halos pabulong na tawag ko sa kan'ya, "ano pang ginagawa mo d'yan?"

Naglakad na s'ya ulit, "tayo 'yong pinag-uusapan nila?"

"Oo, kaya tara na," sabi ko sa kan'ya saka kinukwit ang kamay ko sa braso n'ya at hinila s'ya.

"Miss," nanlaki ang mga mata ni Mimi ng makita ako sa lobby, "ayos ka lang ba? Buo pa ba ang katawan mo? Nakakahinga ka pa ba ng maayos? Miss Crystal, sumagot ka!"

Mahina kong hinampas ang ulo n'ya, nagulo tuloy ang ayos ng salamin n'ya, "ano bang sinasabi mo?"

"Hindi mo pa nakita?"

"Ang alin --"

"Ayon s'ya!" Lumingon kami sa pinanggagalingan ng boses.

May babaeng nakaturo sa akin at tumatakbo s'ya papunta rito. Sumusunod sa kan'ya ang mga sampu siguro na babae at tatlong beki. Ang bilis ng pangyayare, naramdaman ko na lang na may tumama sa dibdib ko mula roon ay may lumabas na malakit na dilaw at puting likido. Itlog! Parang ulan ng pana na naglipana ang mga itlog pabagsak sa amin.Pero imbes na hilaw na itlog ang tumama sa katawan ko ay isang malaking bagay ang naramdaman ko sa harap ko kasabay n'yon ang pagpulupot ng kung ano sa bewang ko.

"David?" Sinasangga n'ya ang mga binabato nila sa amin.

Napasigaw ako ng makitang may pulang tumutulo sa balikat n'ya.

"Miss umalis na po tayo rito. Ayokong maging syarsyado," si Mimi. Nasa tabi ko s'ya at pilit din akong pinoprotektahan.

Dahan-dahan kaming naglakad pero may dos por dos na humarang sa daanan namin lumilipad 'yon, hindi hahampas 'yon sa amin. Pumikit ako para maghanda sa sakit na matatamo ng katawan ko. Inialis naman ni David ang isa n'yang braso sa bewang ko at ipinantakip sa ulo ko.

"Bitaw!" dinig kong sigaw. May lalakeng naka all black suit ang pumigil sa babae gamit ang isa n'yang kamay sa paghampas ng kahoy sa amin. Para s'yang lumabas galing sa pelikulang MIB (Men in Black).

"Crystal!" boses ni Dai 'yon. Galing s'ya sa kabilang direksyon, "Susmaryosep! Anong nangyayare rito?" tanong n'ya sa amin na napuputol pa dahil sa mga pagsigaw n'ya tuwing may babagsak na kung ano mula sa mga tinatapon ng mga nababaliw na mga tao.

"Umalis na po kayo rito," sabi sa amin ng isa sa mga mukhang MIB.

"Saan ka pupunta?" sigaw ng isa sa mga umaatake sa amin. 

Kumalas sa pagkakayakap si David para makalakad kami. Hawak pa rin naman n'ya ang kamay ko at sinisiguro n'yang s'ya ang mababato ng itlog o kaya kamatis na binabato nila. Nasa kabilang side ko naman si Dai na mahigpit ang kapit sa braso ko at kulang na lang ay pagapang na s'yang umusad. Nasa likod namin si Mimi na pinansasalag ang folder at tablet na hawak n'ya. Pilit kaming tumutungo sa elevator habang napapalibutan kami ng mga MIB na s'yang sumasalag at pumipigil sa mga taong tila hyena na gusto kaming pagpira-pirasuhin.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon