Chapter 29

12 2 0
                                    

A man's heart is through his stomach.

Hindi man ako marunong magluto, alam ko kung paano makukuha ang puso ng hambog este lalakeng nakaupo sa upuang natutupe na parang gunting kung saan sa likod nito ay makikita ang salitang 'director'.

Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at inilapag ang pulang lalagyang may anim na sulok at gawa sa papel. Siniguro kong mahahalata n'ya ang ginawa kong paglapag ng lalagyan sa maliit na mesang nasa tabi n'ya.

Katatapos lang ng lunch at kasalukuyan pa lang inaayos ang set kaya naman agad n'ya kong napansin. Nilingon n'ya ako at nagsalubong ang kilay n'ya. HIndi ako nagsalita, nginitian ko lang s'ya at naglakad na palayo.

"Bakit hindi pa n'ya binubuksan?" inip na tanong ko habang nakatingin mula sa hilera ng mga pagkain na binawasan namin kanina noong tanghalian.

Lumapit si Mike na isa sa mga assistant director namin kay Jese, meron ata itong sasabihin sa kan'ya pero nabaling ang atensyon n'ya sa pulang lalagyan. Kinuha n'ya ito mula sa lamesa at sinimulang kulitin si Jese na buksan ang nakakaintrigang lalagyan. Kung hindi pa kinulit ni Mike si Jese ay hindi pa n'ya makikita ang laman.

Hinila ni Jese ang puting laso na nakatali roon saka nag-aalangang binuksan ang lalagyan.

"Cupcakes!" sigaw ni Mike nang makita ang laman nito.

Napatingin ang mga tao kahit na 'yong mga nag-aayos sa set ay huminto sa mga ginagawa nila.

"Pangatlo, sabi nila 'a man's heart is through his stomach', naniniwala ako roon. Nagawa mo na 'yon dati, gagawin mo lang ulit. Pero huwag naman sumobra na aabot ka na sa punto na pati mga katrabaho n'ya ay nililibre mo o kaya ay araw-araw mo nang s'yang binibigyan ng kung ano-anong pagkain. Isipin mong mabuti ang ibibigay mo sa kan'ya at kahit isang beses lang ay magiging sapat na."

"Direk, sinong nagbigay nito? Mamahalin 'to ah, ito 'yong sikat na cupcake ngayon sa social media. Paborito 'to ng kapatid ko --"

"Then it's yours."

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kong nilahad ni Jese ang mga cupcakes kay Mike.

"Talaga, direk Jese?" Tumango si Jese at sinenyasan ang mga crew na bilisan magset-up tinawag n'ya rin ang isa sa mga nag-aayos ng camera na nakatayo sa parang maliit na riles. "Teka, direk, ano 'to?" inilabas mula sa lalagyan ni Mike ang keychain.

Isang maliit na vintage clock, hindi ko masasabing pocket watch 'yon kasi mas maliit 'yon ng halos kalahati kumpara sa normal na pocket watch saka hindi 'yon gumagana. Meron itong na hot air balloon na nakalagay sa medyo gilid ng orasan. May isang ibon din na nakalagay doon at dalawang uka na hugis ibon sa kabilang gilid. Tatlo siguro ang dapat na ibon na nandoon.

Binigay ni Mike ang keychain kay Jese kasunod ng isang cupcake, hindi 'yon tinanggap ni Jese kaya inilapag na lang 'yon ni Mike sa lamesang nasa gilid n'ya.

"Pinaghirapan kong makahanap ng ganoong keychain tapos hindi man lang n'ya titingnan?! Pinamigay pa n'ya ang cupcakes ko!"

Nakita ko s'yang lumingon sa gawi ko, narinig siguro n'ya ako. Agad akong ngumiti pero tinalikuran ko rin s'ya.

Kakatapos lang namin ni David sa eksena namin nang makita kong seryosong nakikipag-usap si Jese sa may bandang likod. Hindi s'ya ang nagdirek ng eksena dahil short scene lang naman iyon.

"Anong gagawin mo?" tanong sa akin ni David.

Nilingon ko s'ya, "your advice number four," sabi ko saka itinaas ang lahat ng daliri ko sa kanang kamay liban sa hinlalaki ko.

"May maitutulong ba ako?" nakangiti kong tanong kay Jese.

Nilingon n'ya ako pati na rin ng mga taong kausap n'ya.

Astilbes at Laura's DoorstepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon